MATAGAL-TAGAL na adjustment para kay mommy LJ Reyes, ang pagdaraanan ng lahat sakaling matapos na ang enhanced community quarantine. Maraming bagay ang dapat asahan na magbabago dahil sa patuloy na paglaganap ng sakit na Covid-19 sa buong mundo.
Bukod sa maraming pagbabago sa larangan ng ekonomiya, kalusugan, at marami pang aspeto, naniniwala si LJ na hindi magiging madali ang mga pagdaraanang pagbabagong ito. Wala mang kasiguraduhan ang kinabukasan at nakatatakot mang isipin ang mga bagay sa hinaharap, mahalaga pa rin ang tanawin ang pag-asa at manatiling positibo para sa ating mga pamilya at mahal sa buhay.
“Any change naman is very fearful na harapin kasi hindi natin sure what would be the outcome, what’s gonna happen next? Pero you know you always hold on to the hope na siyempre as long as we follow, we’re gonna be okay. We’re hoping that we’re not gonna catch the disease so we’re healthy, our family is safe,” ani LJ sa kanyang exclusive interview sa GMA Network.
Isa si LJ sa mga nagtaguyod ng Project: Alalay Kay Nanay, isang donation drive para matustusan ang basic needs ng mga baby gaya ng vitamins, food, at hygiene. Kasama ni LJ sa project na ito ang mga tulad ding niyang ina na sina Iya Villania, Camille Prats, Chynna Ortaleza, LJ Reyes, Pauleen Luna, Chariz Solomon, at Isabel Oli.
RATED R
ni Rommel Gonzales