Saturday , November 16 2024

Kamara ‘binigwasan’ ng NTC, speaker ‘napipi’

HINDI pa rin makahuma ang maraming television viewers, matapos ‘bigwasan’ ng National Telecommunications Commission (NTC) ang House of Representatives, na pinamumunuan ni Speaker Alan Peter Cayetano, nang umabuso ang regulatory body sa pagpapatigil ng operasyon ng broadcasting network matapos mag-expire ang prankisa nito.

Sa kabila nito, iginiit ng ABS-CBN na naniniwala silang nanatili ang kanilang karapatan na maghain ng petisyon para maglabas ng temporary restraining order (TRO) ang Korte Suprema upang pansamantalang ipatigil ang pagpapatupad ng cease-and-desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).

“That’s their right. Lets await decision of the Court,” sagot ni Presidential Spokesman Harry Roque ukol dito.

Sa 46-pahinang petisyon ng ABS-CBN sa Supreme Court, hiniling na isantabi ang kautusan ng NTC at maglabas ng permanent injunction laban sa pagpapatupad nito dahil umabuso ang regulatory body nang ipatigil ang operasyon ng broadcasting network matapos mag-expire ang prankisa nito.

Anila, ang ginawa ng NTC ay kabaliktaran sa ipinangako ng mga opisyal nito sa Senado na mag-iisyu ng provisonal authority to operate.

“Commissioner Cordoba himself admitted that the NTC has previously allowed legislative franchise holders to continue operations notwithstanding the expiry of their franchises,” saad sa petisyon.

“The NTC itself, in a memorandum order issued March 16, 2020, announced that “all subsisting permits, permits necessary to operate and maintain broadcast and pay-TV facilities nationwide expiring within the quarantine period shall automatically be renewed and shall continue to be valid 60 days after the end of the government-imposed quarantine period.”

Kaugnay nito, labis na nagtaka si dating Senator Antonio Trillanes IV sa ‘nakabibinging katahimikan’ ng kilalang maingay na si House Speaker Alan Peter Cayetano.

“Si Alan Cayetano, isang taong kayang magsalita at mambola maghapon, ay ilang araw nang tikom ang bibig ukol sa ‘pag-upo’ ng Kongreso sa mga franchise bills para sa ABS-CBN,” ani Trillanes sa Twitter.

(ROSE NOVENARIO)

Sa pagpapatigil
sa ABS-CBN

NTC LUMABAG
SA DUE PROCESS
— SOLON

LUMABAG, sa due process ang National Telecommunications Commission (NTC) sa pag-isyu ng cease-and-desist order (CDO) upang ipatigil ang operasyon ng dambuhalang media network — ang ABS-CBN.

Ayon kay Ako Bicol Rep. Alfredo Garbin, Jr., hindi patas ang NTC sa ABS-CBN dahil ang ibang network ay hinayaang mag-operate kahit lumampas na sa renewal ng prankisa.

“Due process dictates that notice of rights, must be followed for each individual (in this case ABS-CBN) so that no prejudicial or unequal treatment will result,” ani Garbin.

“The action of NTC violates ‘due process’ in the sense that ABS CBN were not informed of a proceeding to be able to explain why no action should be taken against them. Sans notice and hearing, the CDO was issued and enforced immediately,” dagdag ni Garbin.

Habang maaaring maglabas ng CDO moto propio ang NTC batay sa mga panuntunan nito, kailangang nakabase ito sa public service, welfare at security.

“It is unfortunate that the CDO was directed against an entity who’s doing public service in this time of pandemic and public health emergency,” ayon sa kongresista.

Malaki, umano, ang papel na ginagampanan ng media network laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng impormasyon.

Nakatutulong din umano, ang kompanya sa gobyerno sa pagbibigay ng trabaho sa mamamayan.

“It definitely does not serve public interest as this divert and distract our focus against our fight to a common enemy,” ani Garbin.

Masyado, umanong, hindi patas ang trato ng NTC sa ABS-CBN dahil maraming broadcast companies at telcos na pinayagan mag-operate kahit walang balidong prankisa.

“Where is due process here and equity?” tanong ni Garbin. (GERRY BALDO)

CDO NG NTC
VS ABS-CBN
IPINABABAWI
SA SENATE RESO

NAGHAIN ng isang resolusyon si Senadora Risa Hontiveros na hihikayat sa National Telecomunication Commission (NTC) na irekonsidera ang kanilang

cease-and-desist order sa ABS-CBN katuwang ang minorya at mayorya ng Senado.

Saad sa nasabing resolusyon, “Nagkakasundo nga ang ilang mga senador sa panahong may kinakakaharap tayong krisis, mahalaga ang access sa tama at napapanahong impormasyon na inihahatid ng media.

“Nagkakaisa rin ang mga senador, mga miyembro ng minorya at mayorya, na inilagay sa panganib ng

cease-and-desist order na inihain ng NTC laban sa ABS-CBN ang trabaho ng mahigit 13,000 manggagawa na puwedeng ituring na ‘frontliners’ sa pandemic ngayon.”

Nauna rito, nagpahayag ng legal opinion ang Department of Justice (DOJ) na maaaring magpatuloy ang operasyon ng ABS-CBN.

Ito rin umano ang naging opinyon ng Senado noong ini-adopt namin ang resolusyong bigyan ng awtorisasyon ang NTC sa pagbibigay ng provisional authority,” ani Hontiveros.

Aniya, hindi bago ang pagbibigay ng provisional authority sa mga prankisang pending pa ang renewal.

Inihalimbawa niya ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) Broadcast franchise na napaso noong 4 Agosto 2017 at pinagkalooban ng bago noong on 22 Abril 2019 sa bisa ng Republic Act No. 11319; ang Globe Innove’s franchise na nawalan ng bisa nong 10 Abril 2017 at noong 14 Disyembre 2018 muling nabigyan ng prankisa; ang PT&T’s franchise na napaso noong Nobyembre 2015, pero noong 21 Hulyo 2016 nabigyan muli ng prankisa.

Taliwas din umano ang ginawa ng NTC sa kanilang Memorandum Order 01-03-2020 na nagsasabing ang mga permit, certificates at licenses, na mag-e-expire ngayong 15 Marso hanggang 14 Abril, o habang naka-enhanced community quarantine (ECQ) ay may bisa pa rin hanggang 60 araw pagkatapos ng quarantine period.

“Kaya bakit, para sa ABS-CBN lamang at habang nasa gitna tayo ng COVID-19 pandemic, naging selective ang paghihigpit ng NTC? Hindi ba nila alam na puwedeng buhay at kalusugan ng mga Filipino ang nakasalalay sa delivery ng tamang impormasyon sa publiko? Hindi ba nila inisip na sa gitna ng isang napipintong recession, tatanggalan mo ng hanapbuhay ang libo-libong mga manggagawa?” diin ni Hontiveros.

Dagdag ng senadora, “Hindi ba nakadedesmaya na habang ang luwag natin sa pagbubukas ng POGO, isinasara naman natin ang isang napakahalagang industriya kagaya ng media?”

Sa hinikayat ni Hontiveros ang kanyang mga kapwa senador na suportahan ang kanyang resolusyon.

Aniya, “I hope that more of my colleagues in the Senate express support to this resolution. At sana pakinggan na ito ng NTC kasi sa huli, ang mga Filipino talaga ang talo sa cease-and-desist order. Kailangan nating magkaisa at magtulungan ngayon.”

(CYNTHIA MARTIN)

About Rose Novenario

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *