Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

GMA Network iginiit , nakapag-renew na sila ng kontrata bago pa man mag-expire

BINIGYANG-LINAW muli ng GMA Network na na-renew na nito ang franchise bago pa man ito mag-expire.

Eh sa pagsasara ng ABS CBN dahil sa hindi na-renew ang franchise, idinadawit ang Kapuso Network tungkol sa franchise nito.

Twenty two days bago mag-expire ang GMA original franchise, pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong April 21, 2017 ang Republic Act No.10925 para ma-renew for another 25 years ang franchise ng Republic Broadcasting System na ngayon ay mas kilala bilang GMA Network, Inc..

So walang pagkakapareho ng circumstances ang dalawang networks. Walang katotohanan ang mga bintang na patuloy pa ring nag-broadcast ang GMA kahit expired na ang franchise nito.

Na-renew ang franchise bago ang expiry date nito.

Of course, wala namang pagbubunyi ang Kapuso Network sa pagsasara ng ABS-CBN. Sa totoo lang nga, ilang Kapuso artists din ang nalungkot sa pagsasara ng Channel 2 at ibang channels nito.

 

 

I-FLEX
ni Jun Nardo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jun Nardo

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …