Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Alden, may tips para maprotektahan ang sarili laban sa Covid-19

MATAPOS ang kanyang unang Instagram live session para sa fans noong April 29, muling nagkaroon ng IG live ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards noong Linggo, May 3, kasama ang kanyang spiritual adviser na si Father Jeff.

Sa kanilang kuwentuhan, binahagi ni Alden kung paano niya tinitiyak ang kaligtasan niya tuwing lumalabas para mag-grocery.

Ayon sa Kapuso star, palagi siyang nagsusuot ng face mask at gloves.

Dagdag na payo pa ni Alden sa lahat, “Ito rin advise ko sa lahat ng runners at lahat ng lumalabas, we should treat everyone as a carrier for safety. I-treat natin as lahat positive para ‘yung alert level natin laging mataas.”

 Nagpaalala rin si Alden ng tamang paglilinis ng katawan para masigurong ligtas at maprotektahan ang kanyang sarili at kanyang pamilya sa virus.

“Kapag lumalabas ako, ‘yung damit na isinuot ko, sa garahe pa lang doon ko na siya huhubarin. Hindi ko ipapasok ‘yung sapatos sa loob ng bahay. Maghuhugas ako ng kamay, pagkapasok [ng bahay] maligo.”

 Hinikayat din niya ang lahat na maging considerate at maingat para maiwasan ang pagkalat ng Covid-19. Aniya, “Mahirap i-risk especially kapag tinamaan ng Covid-19 ang ages 60 and above medyo sila ‘yung napupunta sa severe cases. So dapat ingatan natin sila, that’s how I care for my loved ones, dapat ganoon din ang lahat ng mga nagiging runners at lumalabas. Isipin niyo ‘yung mga taong puwedeng mahirapan kapag nagkasakit kayo. So take care of yourself first.”

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …