Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Harutan ng Bubble Gang stars sa live chat ng YouLOL, patok sa netizens

MULA pandemic, nagmistulang ‘FUNdemic’ para sa kuwelang cast ng Bubble Gang ang naganap na live chat at kulitan sessions sa official comedy channel ng GMA Network na YouLol noong Biyernes, May 1.

Para pasayahin ang araw ng mga Kapuso viewer na lugmok ngayon sa ilalim ng enhanced community quarantine, nagsagawa ng live chat ang cast ng award-winning gag show na Bubble Gang sa pangunguna ng kanilang creative director na si Michael V.

Patok naman sa mga netizen ang punchlines at harutan ng Kapuso comedians at comediennes na sumama sa kulitan session. Ilan sa mga Kapuso stars na bumida sa live chat noong Biyernes ay sina Kim Domingo, Paolo Contis, Sef Cadayona, Faye Lorenzo, Analyn Barro, Betong Sumaya, Archie Alemania, at Valeen Montenegro.

 “You always make us happy. What a good stress reliever. More power and blessing mga Kababol,” saad ng isang Facebook netizen.

Kung stress ka na sa mga balita at nagaganap sa mundo, tumambay na sa official comedy channel ng Kapuso Network na YouLOL para sa mga nakatutuwang videos na tiyak na magpapasaya sa inyong mga araw.

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …