Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Allowance para sa estudyante, ipinamigay sa Caloocan City

NAIPAMAHAGI ng lokal na pamahalaan ng Caloocan ngayong Linggo ang P500 cash allowance para sa mahigit 6,000 estudyante sa Barangay Deparo, ng nasabing lungsod.

Nasa 270,000 ang kabuuang bilang ng mga estudyanteng naka-enrol sa mga pampublikong elementary at high school sa lungsod, na target bigyan ng allowance ng Caloocan local government.

Napuno ngayong araw ng Linggo ang  covered court ng Barangay Deparo ng mga magulang ng mga estudyante para makuha ang cash allowace ng kanilang mga anak.

Para sa mga magulang, malaking tulong  ang pinansiyal na ayudang natanggap para sa mga anak.

“Malaking tulong po kasi sa mga gastusin, pambili ng pagkain nila, pandagdag po,” anang magulang.

Nasa P2,000 ang dapat na matatanggap ni Lina Salting, na may 4 na anak na nag-aaral sa lungsod.

Makatutulong daw iyon pambili ng mga pangangailangan ng mga anak lalo at nawalan ng trabaho ang kaniyang mister, isang cellphone technician, mula nang isailalim sa lockdown ang Luzon.

“Tipid-tipid lang din po lalo na po sa pang-araw-araw na pangangailangan ng mga bata… napakahirap po ngayon lalo na kasi ‘yong mga bata, wala sila makain, ‘yun nga ‘yong problema po,” ani Salting.

Katuwang ng lokal na pamahalaan ang Universal Storefront Services Corporation para matiyak na organisado ang pamamahagi ng cash allowance ng mga estudyante, ayon kay Mayor Oscar Malapitan.

“Sila ang nagdi-distribute. May mga retrato pa ‘yon ‘pag ‘yong magulang kinuha ‘yong pera, mayroon signature, mayroon retrato. Kaya hindi made-deny, walang dahilan para sabihin hindi kami nakakuha,” ani Malapitan.

Para maayos ang pamamahagi, bawat paaralan sa lungsod ang nagsumite ng listahan ng mga estudyante, na inilagay sa database, ayon kay Malapitan.

Makatatanggap umano ng text message ang mga magulang ng estudyante kaugnay ng petsa, oras at venue ng pagkuha ng cash aid.

Ayon kay Malapitan, pinakikiramdaman pa niya kung kailangan palawigin pa ang enhanced community quarantine sa lungsod, na nakatakdang matapos sa 15 Mayo.

“Kung kailangan i-extend, mag-extend… Sa amin, every day, dumadagdag ‘yong nagpo-positive. Pinakikiramdaman ko, gaya ng IATF,” ani Malapitan, na tinutukoy ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

Noong Sabado, nakapagtala ang Caloocan ng 204 COVID-19 cases, ayon kay Malapitan. (ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Sales

Check Also

121225 Hataw Frontpage

Ex-DPWH executives, Curlee Discaya magpa-pasko’t bagong taon sa senado

ni Niño Aclan MANANATILI sa detensiyon ng Senado ang mga dating opisyal ng Department of …

SM Supermalls VFS Global FEAT

SM Supermalls and VFS Global Seal Partnership to Bring Visa and Travel Services Closer to Filipinos

Executives Shaking Hands. SM Supermalls and VFS Global leaders seal the partnership with a handshake …

DOST PTRI Weavers

Weavers Manifesto cries for respect, support for Philippine weaves, denounces machine replicas, printed substitutes

The growing popularity of traditional handloom-woven textiles has placed Filipino weavers at a critical crossroads. …

Bulacan Lakbike Festival Teban 7

Elevating Bulacan’s eco-sports tourism
Filipino cyclists from PH, abroad conquer DRT’s mountainous trails in Lakbike Festival Teban 7

CITY OF MALOLOS — Nearly 300 racers across the country and from abroad convened for another …

Araneta City Parolan bazaar

Araneta City sparkles more this season with annual Parolan bazaar

Every holiday season, Araneta City comes alive with its beloved Christmas traditions, including the giant …