Thursday , May 9 2024

Chariz Solomon, may kakaibang experience nang lumabas ng bahay

KAKAIBANG experience para sa Kapuso comedienne at Bubble Gang star Chariz Solomon ang first time nitong paglabas ng bahay mula nang ipatupad ang enhanced community quarantine sa buong Metro Manila.

 

Dahil may kailangang asikasuhing importanteng bagay, napilitan si Chariz na lumabas ng tahanan suot-suot ang facemask at face shield para protektahan ang sarili. Sa kanyang Instagram post, binahagi ni Chariz na hindi biro ang lumabas ng bahay lalo pa sa estado ngayon ng Metro Manila na higit na apektado ng lumalaganap na virus.

 

Kaya naman saludo si Chariz sa mga magigiting na frontliner na inilalagay sa peligro ang mga buhay para makatulong sa kapwa.

 

“Ang hirap pala. Grabe saludo ako sa frontliners natin talaga they have to be this intense and more 24/7,” anang Kapuso star.

 

Samantala, tuloy-tuloy ang saya sa longest-running comedy program na Bubble Gang na mapapanood tuwing Biyernes sa GMA-7.

 

 

RATED R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Claudine Barretto Daiana Menezes

Bahay ng magulang ni Claudine ninakawan, ina muntik ma-ER

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio HALOS nalimas ang mga naggagandahang appliances na bago pa at …

Diwata Pares Rosmar

Diwata naiyak sa bahay, P1-M bigay ni Rosmar

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAIYAK at napababa ng closed van si Diwata nang iabot …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Heaven ginu-groom ng Viva para maging dramatic actress

HARD TALKni Pilar Mateo SUPER ang suporta ng MarVen sa tambalang Marco Gallo at Heaven Peralejo.  Na ipinadama sa mga …

FranSeth Francine Diaz Seth Fedelin

FranSeth wala pang dating, imposibleng mapalitan ang KathNiel

HATAWANni Ed de Leon NAKU ewan ko ba, iyon naman daw FranSeth ang siyang papalit sa KathNiel. Bakit …

Alden Richards Richard Faulkerson

Tatay ni Alden nagpa-SOS sa NBI; Blogger na naninira hahantigin

HATAWANni Ed de Leon NAGBIGAY na rin ng warning ang ama ni Alden Richards dahil sa mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *