Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kapuso stars, nagsama-sama para kay Joseph delos Reyes

BUMUHOS ang pagmamahal sa online benefit concert na ini-organize ng GMA Public Affairs, ang #ParaKaySeph, para sa pamilyang naulila ni Joseph Delos Reyes, ang Kapuso talent at Director of Photography na yumao dahil sa Covid-19.

 

Pinangunahan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ang mga GMA artist na nagbigay ng kanilang oras at talento para makalikom ng pondo para sa naiwang asawa at anak ni Joseph. Kasama sa mga ito sina Julie Anne San Jose, LJ Reyes, Glaiza de Castro, Ruru Madrid, The Cips (Chynna Ortaleza and Kean Cipriano), Sponge Cola, Ice Seguerra, Manilyn Reynes, Denise Barbacena, Tom Rodriguez, Jeffrey Hidalgo, Gladys Reyes and Christopher Roxas, Buboy Villar, Jr., Jelai Andres at King Badger, at Arra San Agustin.

 

Karamihan sa kanila ay nakatrabaho ni Joseph sa mga programa ng GMA Public Affairs. May kurot sa puso ang mga kuwentong ibinahagi nila tungkol kay Joseph. Mabait, humble, at magaan katrabaho ito.

 

Para sa mga nais pang magpaabot ng kanilang tulong para sa pamilya ni Joseph, maaari kayong magdeposit sa account name Ashiana Mago: BPI Account # 3189319699 at BDO Account # 000161122337.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …