MARAMI silang sinisisi kung bakit tinatalo ng mga Korea novela ang mga teleseryeng Pinoy. Ang unang sinasabi nila ay ang problema sa budget. Sinisisi rin nila ang kaisipang kolonyal ng mga Pinoy. Mayroon pang hanggang ngayon sinisisi ang censorship. Ano ba talaga?
Talagang malaki ang budget ng mga Koreanovela, kasi ang market naman nila ay buong mundo. Hindi kagaya rito na halos key cities lang ang market mo, natural maliit lang ang advertising revenue, eh paanong mamumuhunan nang malaki ang mga network?
Palagay namin ang kulang iyong “creativity” nila. Tingnan ninyo si Aga Muhlach, gumawa ng pelikula na gustong-gusto nila sa social media, wala namang nanonood. Noong gumawa ng adaptation ng isang Korean movie, naging top grosser ng festival. Hindi ba maliwanag iyan na hindi nila mahuli ang gustong panoorin ng masa, at ipinipilit kasi nila kung ano iyong gusto lang nila, kahit ayaw ng audience?
HATAWAN
ni Ed de Leon