Sunday , February 1 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Stand for Truth, isang taon na

SIMULA pa lang noong ilunsad nito noong nakaraang taon, kinakitaan na namin ng potential ang online newscast na Stand for Truth. Kaya naman hindi na kami nagtaka na naging matagumpay ang programang ito ng GMA Public Affairs.

 

Ngayon nga, isa na ito sa mga inaasahan namin pagdating sa breaking news at exclusive reports. Mahusay ang pagkaka-train ng Kapuso Network sa mga batang reporter na nagmula pa sa iba’t ibang panig ng bansa. Gamit ang kanilang mobile phones at angking journalistic skills ‘ika nga, nakakapag-produce sila ng mga istoryang madalas ay ginagamit na ng mainstream newscasts. Marami rin sa exclusive reports ng Stand for Truth ang naging daan para maaksiyonan ng mga kinauukulan ang ilang isyu ng bansa.

 

Pataas nga nang pataas ang bilang ng views ng SFT videos sa Facebook at YouTube, patunay na mas maraming netizens ang tumututok sa nasabing pioneering mobile journalism newscast. Bukod kina Atom Araullo at Richard Heydarian, binabati namin ang magigiting na SFT reporters na sina Nico Waje, Manal Sugadol, Shai Lagarde, Izzy LeeEduard Faraon, MJ Geronimo, Bhea Docyogen, Jm Encinas, at Anthony Esguerra. Congrats din sa mga nasa likod ng Stand for Truth. Nawa’y mas maging matagumpay pa ito sa mga susunod na taon.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …