GINAWANG kapaki-pakinabang ng aktres na si Lotlot de Leon ang pamamalagi sa loob ng bahay habang nagaganap ang Enhanced Community Quarantine o ECQ (o lockdown, actually) sa buong Luzon dahil sa panganib ng Covid-19.
Dahil walang taping at shooting, naging aktibo muli si Lotlot sa pagluluto para sa kanyang negosyong Lotlot’s Homemade (Ready-To-Cook Meals).
Sa naturang business ng aktres ay maaaring umorder for delivery ng kanyang napakasasarap na mga specialty; Bopis, Liempo, at Mediterranean Chicken Barbeque at ang latest addition sa menu na freshly-baked Banana Bread.
Mag-text lamang sa (0945) 594 1258 para sa mga order.
Samantala, ngayong Sabado ay mapapanood si Lotlot sa GMA sa muling pag-ere ng totoong kuwento ni Jenny na isang OFW na niyaya nang pakasal ng kanyang boyfriend nang madestino sa Dubai para mag-alaga ng isang sanggol na may cerebral palsy.
Naging malapit ang puso ni Jenny sa kanyang alaga na lubos namang ikinahanga ng kanyang guwapong Egyptian boss na si Hany. Nang hiwalayan si Hany ng kanyang first wife, unti-unti silang naging malapit sa isa’t isa pero nagkaroon uli ng isa pang asawa ang lalaking amo niya.
Pinagbibidahan ito ng nakilala nating “Hipon Girl” sa programang Wowowin na si Herlene Budol. Makakasama rin sina Lotlot, Vaness Del Moral, Mike Agassi, Euwenn Aleta, Marlon Mance, Ana De Leon, at Joaquin Manansala.
Sa ilalim ng direksiyon ni Jorron Monroy, mula sa panulat ni Tina Samson-Velasco at pananalisksik ni Loi Argel Nova.
Abangan ang naturang episode na isa sa mga naging anniversary presentation ng Magpakailanman.
RATED R
ni Rommel Gonzales