Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Art Rockers nina Edu at Sen. Migz, aktibo rin sa pagtulong

BILANG pagpapahatid ng kanilang taos-pusong pasasalamat para sa lahat ng frontliners sa buong bansa at buong mundo, isinagawa ng PAMI (Philippine Artists Management, Inc,) ang isang video ng pagbati at pagsaludo sa kanila.

 

Kabilang sa nagpahayag ng kanilang saloobin sina Gian MagdangalShine Kuk, Arlene Muhlach, Ciara Sotto, Ana Roces, Sam YG, Ronnie Lazaro, Christian Vasquez, Marissa Delgado, Lito Pimentel, Hyubs Azarcon, Chef Gino Gonzales, at China Cojuangco, Lance Busa, Elizabeth Oropesa, Nanette Inventor Ryan Eigenmann, Jaime Fabregas, Slick Rick, Robert Seña, Divina Valencia, Michael de Mesa, Ana Abad Santos, Carmen Soriano, Maricar de Mesa, Joey Paras, Gio Alvarez, Dennis Padilla, Ali Forbes, Julian Estrada, Teddy Corpuz, Minco Fabregas, Marita Zobel, Loly Mara, Luz Valdez, Pinky Marquez, Johnny Revilla, Pia Guanio Mago, Jinggoy Estrada, Geneva Cruz, Pops Fernandez, Celeste Legaspi, Beauty Gonzales, Kris Lawrence, ER Ejercito, David Licauco, Edgar Allan Guzman, Enzo Pineda, Bernadette Allyson, Gary Estrada, Sunshine Cruz, TJ Trinidad, Wynwyn Marquez, Vince Vandorpe, Epy Quizon, Shaira Diaz,  Aiko Melendez, Isabel de Leon, Katarina Rodriguez, Michelle Marquez Dee, Teejay Marquez, RJ Ledesma, Devon Seron, Jerico Ejercito, Martin del Rosario, Chanel Morales, Alyssa Muhlach, Carl Guevarra, Rachel Alejandro, Luis Hontiveros, Ara Arida, Almira Muhlach, Raymond Bagatsing, Monsour del Rosario, Alvin Anson, Jao Mapa, Cai Cortez, Polo Ravales, James Blanco, Yul Servo, Kiko Estrada, Samantha Lopez, Korina Sanchez, Rafael Rosell, Dina Bonnevie, Rez Cortez, Scarlet Snow Belo, Carla Abellana, Paulo Avelino, Lovi Poe, Dennis Trillo, Janine Gutierrez, Jhong Hilario, Ogie Alcasid, Derek Ramsay, Vhong Navarro, Christian Vasquez, Tom Todriguez, Luis Manzano, JC de Vera, Cherie Gil, Janice de Belen, Joel Torre, Gabby Concepcion, Morissette, Jestoni Alarcon, Sylvia Sanchez, Isay Alvarez, Abdul Rahman, Angelu de Leon, Sancho delas Alas, Bobby Andrews, Senator Manny Pacquiao and Edu Manzano.

 

Sa pamamagitan ng mga awitin, dasal at simpleng pasasalamat, naipaabot ng nasabing artists ng industriya ang pasasalamat at pagyukod nila sa ating frontliners

 

Through one of the officers and managers of PAMI, nabanggit din sa akin ni Inday JuneT. Rufino kung paano namang nagsasama-sama ang alaga niyang si Edu at mga kaibigan nitong Art Rockers sa pangunguna ng Senate Majority Leader na si Juan Miguel  ‘Migz’ Zubiri, with Dr. Steven Lim at Dr. Enrique Posas na patuloy sa kanilang donasyon ng  13,000 na Covid-19 PCR test kits sa mga pribado at publikong ospital para magamit sa medical frontliners at symptomatic na mga pasyente.

 

Ayon pa sa ibinahagi sa akin ni Inday June, mula sa kanilang mga personal na funds ang pinagsama-samang nagbibigay ng tulong sa mga naospital na gaya ng Philippine General Hospital sa pamamagitan ng Pamantasan ng Pilipinas.

 

Matatandaang dinapuan o tinamaan ng nasabing virus si Sen. Migz na ngayon ay nagpapagaling na.

 

Ang Art Rockers ay binuo niya kasama ang doktor at kaibigan niyang nagpapalaganap ng sining at kultura sa bansa-gaya nina Sen.

 Sonny Angara, Julius Babao, Ces Drilin, Mayor Richard Gomez, Aga Muhlach, at si Edu nga, kasama pa ang ilang negosyante at ilan pang mga manggagamot mula sa sari-saring pagamutan.

 

Dagdag pa ni Inday June, “Marami sa mga artista natin ngayon ang kung titingnan mo eh, tatahi-tahimik lang. But on their own, sa sarili nilang paraan ay gumagawa rin ng maiaambag nila lalo na sa ating mga frontliner. Hindi man natin nababasa o nababalitaan, naku ang dami nila. Sa grupo lang na ito, ilan lang ‘yang mga nasabi sa akin ni Edu. Ang maganda they are in constant communication 24/7 para malaman kung saan nila kailangan pang maghatid ng tulong.”

 

Nakalikom na ang Art Rockers ng karagdagang PHP 9.7-M for the additional 7,100 kits to be donated to St. Lukes Medical Centers, Makati Medical Center, Medical City, UST Hospital, and Asian Hospital.

 

Tunay na traidor ang hindi nakikitang kalaban. Kaya nga ang hiling ng grupo, yaman at magkakaroon na ng massive testing, ay ang disiplina pa rin ng bawat isa at pagiging responsable sa pagharap sa pagsawata sa Covid-19.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …