ANO mang estado sa buhay, lahat ay apektado ng krisis na kinahaharap ngayon ng mundo. Sa kanilang podcast na Behind Relationship Goals, ibinahagi ng Kapuso couple na sina Megan Young at Mikael Daez kung paano naapektuhan ng Covid-19 ang kanilang personal at professional lives.
Ayon kay Mikael, isa sa pinaka-naapektuhan ng ipinatutupad na enhanced community quarantine ay ang kanilang trabaho. Lahat daw kasi ng kanyang projects pati na rin sa abroad ay nakansela.
“Everything was cancelled, this isn’t just affecting our psyche and emotions, this is affecting our income, our lives, our productivity.”
Dagdag pa ni Megan, nagpapasalamat siya na itinigil muna ang taping ng mga serye para maiwasan ang makahawa ng kapwa. Pagpapaalala pa ng dalawa, importante na ‘wag mag-panic at ma-stress sa ganitong sitwasyon at sa halip ay ipukol ang oras sa mga makabuluhang bagay.
Aliw naman ang netizens sa pakikinig ng relevant and informative podcasts ng mag-asawa, “Your podcast relaxes me all the time! Thank you for sharing your time with us.”
Samantala, magbabalik-telebisyon si Megan sa much-awaited GMA series na Legal Wives habang si Mikael naman ay napapanood sa Love of my Live na pansamantalang pinalitan ng My Husband’s Lover sa GMA Telebabad.
Rated R
ni Rommel Gonzales