Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinoy classic films libreng mapapanood ng Kapamilya sa iWant ngayong quaratine period

SIMULA Semana Santa ay napanood sa iWant nang libre ang maraming Pinoy classic films na tumatak

sa puso at isipan ng nakararami. At tuloy-tuloy ang pagpapalabas ng iWant sa magaganda at

makabuluhang pelikula tulad ng ABAKADA…INA. Sa pelikulang ito, patutunayan ng isang inang hindi nakapag-aral (Lorna Tolentino) na hindi naitutumbas sa anumang nasusulat o nababasa ang pagmamahal ng isang ina.

KISAPMATA. Kontrobersyal ang pelikulang ito ni Mike de Leon na itinuturing na “ahead of its time” dahil sa paksa at twists nito. Tungkol ito sa isang estriktong amang may madilim na sikreto.

HENERAL LUNA. Ito ang highest-grossing Filipino historical film of all time, tampok si John Arcilla bilang si General Antonio Luna, na ipinakita ang paglilingkod sa

bayan higit pa sa kanyang sarili.

MARKOVA: COMFORT GAY. Tampok sa biographical comedy-drama ang Comedy King na si Dolphy bilang ang huling nabubuhay na “comfort gay” mula sa panahon ng mga Hapon. Ibabahagi niya ang mapapait niyang karanasan kay Loren Legarda.

DEKADA ‘70. Sa Star Cinema classic na ito, kailangang tatagan ng mag-asawa (Vilma Santos at Christopher de Leon) ang kanilang loob para sa kanilang mga anak sa panahon ng Martial

Law.

TATLONG TAONG WALANG DIYOS. Ito ay set during the Japanese occupation, at pinagbibidahan nina Nora Aunor at Christopher de Leon.

BATANG PX. Tampok sa award-winning Jose Javier Reyes film na ito ang buhay ni Amboy (Patrick Garcia), isang binatilyong naghahanap ng pag-aruga ng

kanyang pamilya.

Balik-balikan ang sari-saring  Filipino classic films sa iWant, na mayroong higit sa 1,000 pelikulang libre para sa lahat. Tunghayan ang mga kuwentong ito at iba pa

sa iWant app (iOs and Android) o sa iwant.ph.

Para sa updates, i-like www.facebook.com/iWant, sundan ang @iwant sa Twitter at @iwantofficial sa Instagram, at mag-subscribe sa www.youtube.com/iWantPH.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …