MAGANDA ang naging pagpapalaki ng mga magulang nila sa pamilya ni Mica dela Cruz na dear sister ni Angelica.
Naging taal na ang pagtulong nila sa mga tao sapul pa lang nang maliliit pa sila. Dahil ang Daddy Ernie nila eh, nag-ampon at nag-alaga ng mga batang gusto ring sumikat sa pagba-banda.
Ngayon, sa panahon ng CoVid-19, hindi na kailangan ni Mica na utusan pa para gumawa ng mabuti sa kanyang kapwa.
On her own, kumalap na siya ng mga pwedeng maibahagi lalo na sa ating frontliners.
Nag-share si Mica ng kanyang saloobin:
“DAY 1 • hindi ko maexplain yung nararamdaman ko ngayon 🙁 nakakataba ng puso na kahit sa maliit na paraan naproteksyunan ko sila..
“These are face shields po for protection (PPE) ng ating amazing and selfless frontliners na araw araw nakikipagsapalaran para saatin. i just wanted to give back to them in my own little way… salamat po sa sakripisyo ninyo! we appreciate each & every one of you. ingatan niyo din po ang inyong mga sarili ha? konting tiis nalang, matatapos din po ito.. SALAMAT PO SAINYO ️🏻
“Sa lahat po ng gustong tumulong pero hindi alam kung papaano.. marami pong paraan 🙂 pwede po kayong magdonate online sa mga official organizations para dito o kaya naman direct sa mga hospitals na. if monetary, wag kayong malula or matakot. any amount will help naman po. kahit 20pesos or 50pesos man yan may matutulungan ho kayo.
“Pwede din po kayong mag DIY ng mga PPE or food packages para sa mga frontliners at sa mga nangangailangan. kung hindi naman po hot meals ang maipprepare kahit relief goods po ay makakatulong lalo na sa mga pamilya na walang wala talagang pambili kahit pagkain.
“Kung talagang wala din pong maibibigay 🙂 wag po magalala.. Kahit simpleng pagsspread ng awareness.. kahit simpleng words of encouragement sa mga taong hindi maganda ang kalagayan at natatakot ngayon.. kahit konting pagintindi at pagaalala po po sa ating frontliners.. kahit maisama lang natin sila sa prayers natin araw araw… may nagagawa na po tayo “
Sa lahat ng ito, beaming with pride ang kanilang mga magulang. Sabi nga we can do our share. We are all in this together. Get inspired by Mica.
HARD TALK!
ni Pilar Mateo