Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jessica Soho at Vicky Morales, umani ng papuri sa netizens

TRENDING ang GMA News pillars na sina Jessica Soho at Vicky Morales kamakailan. Ito ay matapos umani ng papuri mula sa viewers at netizens sa pagbibigay-boses sa sambayanang Filipino tungkol sa mga isyung bumabalot sa Covid-19.

 

Prangkahan man ang kanilang pagtatanong sa mga kausap, kasama na ang kontrobersiyal na si Sen. Koko Pimentel, hindi nawala ang pagiging professional at kalmado nina Jessica at Vicky sa gitna ng mainit na usapin sa Covid-19—bagay na lalong pinapurihan ng netizens.

 

Magtataka pa nga ba tayo na Peabody-awardee at isa sa mga respetadong media personality si Jessica? Umani rin lalo ng paghanga si Vicky na kahit personal na apektado sa mga nangyayari sa frontliners dahil ang kanyang ama ay isa ring doctor, ay nanatili pa ring objective at may class sa kanyang panayam sa isang ospital representative.

 

“Journalism at its finest” nga ang napanood nila sa 24 Oras.

 

Alam naman kasi nating lahat na pagdating sa pagbabalita, walang kinikilingan ang GMA 7.

 

Ang tweet nga ng isang netizen, “I stand GMA News anchors!”

 

Sure kami na ito rin ang sigaw ng marami sa atin. Maraming salamat, Jessica at Vicky, sa pagbibigay-boses sa mga Filipino! 

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …