Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Marian at Dingdong, ibinahagi ang bonding time with Zia at Ziggy

KANYA-KANYANG paandar ngayon ang mga filipino kung paano magpapalipas ng oras sa kani-kanilang bahay matapos magdeklara ng enhanced community quarantine ang pamahalaan bilang laban sa COVID-19.

Sa unang no-contact online fundraising event ng GMA-7 na pinangunahan ng All-Out Sundays stars noong nakaraang Linggo, ibinahagi nina Dingdong Dantes at Marian Rivera sa mga netizen kung paano ang kanilang bonding time kasama ang mga anak na sina Zia at Ziggy.

Ayon kay Dingdong, hinahati nila ang araw sa tatlo – sa umaga ay oras ng pag-aaral, sa hapon ay oras ng paglalaro, at sa gabi ang bonding time nilang apat.

Dagdag naman ni Marian, mainam ding gawan ng worksheets ang mga bata para kahit nasa bahay ay natututo.

“Ang masaya kasi ay nagkaroon kami ng oras para maka-bonding ‘yung mga anak namin,” saad naman ni Dong.

Samantala, mapapanood si Marian sa pagbibidahan niyang GMA series na First Yaya kasama si Gabby Concepcion habang si Dingdong naman ay napapanood sa Pinoy adaptation ng Korean drama na Descendants of the Sun kasama si Jennylyn Mercado.

Pansamantalang pinalitan ng Encantadia Season 2 ang DOTSPH na mapapanood tuwing gabi pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …