Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, pinagsisisihang ikinampanya si Sen. Koko Pimentel

MEA culpa. Mea culpa, mea maxima culpa.” Kung isasalin sa Tagalog, “dahil sa aking sala, sa aking sala, sa aking pinaka-malaking sala.” Tila ganyan ang sinasabi ni Angel Locsin nang may magpaalala sa kanya na minsan ay ikinampanya niya si Senador Koko Pimentel nang kumandidatong senador.

Inamin ni Angel na pinagsisisihan niya ang ginawa niyang iyon. Iyon ay matapos ang ginawa ng Senador na pumasok sa ospital para samahan ang kanyang asawang manganganak na raw, sa kabila ng katotohan na alam niyang nakadama na siya ng symptoms ng Covid-19, kaya nga siya nagpa-test. Maraming nagalit dahil mali nga namang katuwiran iyong hindi pa naman niya alam na positive nga siya dahil wala pa ang report ng RITM, pero nang itawag sa kanyang positive siya, umalis daw siya agad sa ospital.

Pero alam naman niya bago pa iyon na PUI na siya.

Nangatuwiran si Angel na kaya lang naman niya ikinampanya noon si Senador Koko ay dahil asawa pa iyon noon ng pinsan niya. Hiwalay na ang senador sa pinsan niya ngayon at iba na ang asawa. Sinabi rin niyang minsan lang siya nagkampanya para sa senador, at hindi na naulit iyon. At dahil sa nangyari ngayon, sinasabi niyang, “labis kong pinagsisisihan ang ginawa kong iyon.”

Alam naman ninyo iyang endorsements ng mga artista kung may eleksiyon. Hindi naman nila nalalaman talaga kung ano ang takbo ng isip ng ikinakampanya nilang kandidato. Hindi rin naman nila masasagot kaya hindi rin naman masisisi si Angel kung ikinampanya man siya noong araw.

Nakita naman natin, nagpatayo pa ng mga living quarter si Angel para sa mga frontliner na hindi na makauwi sa kanilang mga tahanan, at iyon ay sa sarili niyang pagsisikap, at ang gastos mula sa sarili niyang bulsa at sa mga kaibigan niya.

HATAWAN
ni Ed de Leon

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …