Wednesday , August 13 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Hazard pay sa immigration officers

SA palagay natin ay panahon na upang pag-isipan ng Department of Justice (DOJ) pati nina BI Commissioner Jaime Morente na bigyan ng “hazard pay” or additional compensation ang immigration officers sa airports.

Dahil na rin sa laki ng ‘risk’ na kinakaharap bilang frontliners nakatatakot naman talaga sapagkat sila ang pinaka-susceptible na tamaan ng corona virus!

Bagama’t sariwa pa ang nakaraang issue na marami sa kanila ang isinangkot sa iba’t ibang anomalya, hindi ito sapat na dahilan upang balewalain ang kanilang karapatan na tumanggap ng additional pay.

Alalahanin na hindi lang sila ang posibleng maapektohan kung sila ay sakaling tamaan ng COVID-19. Maging pamilya nila ay posible rin mahawa sa kanila ‘pag nagkataon!

Kulang na kulang kung tutuusin ang kanilang basic salary at maging augmentation pay sa klase ng panganib na kinakaharap nila.

Ito na rin siguro ang magpapabawi ng sama ng loob nila kay Komisyoner pagkatapos nilang madesmaya sa naging performance niya sa senado.

May mga nagsabi na tila hugas kamay ala-Poncio Pilato raw agad si Morente sa kanyang mga naging sagot matapos siyang tanungin ni Risa Hontiveros tungkol sa “knowledge” nito pagdating sa ‘pastillas scam.’

Sa sitwasyon ngayon na may lockdown na sa buong NCR, hindi malayo na maging daan din ito para lalong tamarin pumasok ang mga IO sa NAIA!

Ngayon kung sasabihin na walang badyet ang proposal na additional AP or compensation, hindi kaya puwedeng manggaling sa intelligence fund ni Commissioner Morente ang naturang badyet?

Ano po sa palagay n’yo mga Bossing diyan sa OCOM?

 

PASTILLAS-19
SAVED
BY COVID-19

SINO ang mag-aakala na ang kinatatakutang COVID-19 ay magiging saving grace ng mga akusado sa ‘pastillas scam.’

Hindi rin tayo sigurado kung itong COVID-19 ba talaga o may iba pa ang naging sanhi upang mabalam ang ginagawang imbestigasyon ni Madam Senator Risa.

Marami ang nanghinayang. Disin sana’y nasaksihan nila ang nakatakdang pagtutuos ni dating SOJ Vitaliano Aguirre at ng katoto nating kolumnista.

I doubt kung satisfied ba sa naging takbo ng pangyayari ang tinaguriang whistleblower na si Allison Chiong?

Magiging masaya kaya siya sa halos dalawang buwang pagkatengga sa magiging tahanan niya pansamantala sa WPP safehouse ng DOJ?

Ang hirap kaya sa safehouse. Unang-una, bantay-sarado ka.

Pangalawa, limitado ang iyong oras sa loob ng compound.

Pangatlo, kinakailangan mag-report ka umaga, tanghali at gabi sa OIC ng WPP.

Pang-apat, ‘di namn kalakihan ang  badyet dito o allowance.

At pang-lima, walang LSD?!

Hak! Hak! Hak!

O kay saklap!

No more stairway to heaven!

Samantala ang mga inilaglag niyang mga kasamahan ay tuloy-tuloy pa rin ang ligaya sa kanilang kalayaan at kayamanan?

Namputsa kasing konsensiya ‘yan!

Minsan talaga ‘yan ang pahamak, ‘di ba tsong?!

Okay sana, totoong dala ng konsensiya kaya napakanta?!

Buti rin sana kung totoong kapani-paniwala ang kalabit ng konsensiya!

Ba’t hindi na lang kasi sinabi na “Ako po ay nasaktan dahil…NABUKULAN?!”

Nyek!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

‘Sandok’ ni Imee hindi lumusot kay Atty. Princess Abante

SIPATni Mat Vicencio KUNG makapanlait itong si Senator Imee Marcos, para bang walang kapintasan. Wagas …

Firing Line Robert Roque

Kawalang hustisya, bumida sa pagkamatay ni Gelo

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. HINDI ito ang inaasahan nating kahahantungan ng pagkatalo sa …

Aksyon Agad Almar Danguilan

MMDA Bayanihan Estero Program, suportado ni PBBM

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAHA… baha… baha… nakita naman natin na kahit saang sulok ng …

Firing Line Robert Roque

Tiktok ang bahala

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NAKIPAGTULUNGAN ang Department of Migrant Workers (DMW) sa TikTok …

Sipat Mat Vicencio

Hoy Bato, hindi mo ka-level si Digong!

SIPATni Mat Vicencio KAHIT saan anggulo tingnan at pagbali-baliktarin man ang sitwasyon, hindi maaaring ikompara …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *