Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ngayong Feb 26 na sa iWant! Dalawang Julia maghaharap hangga’t matira sa “I Am U” acting ng actress level-up

Sunod-sunod na kamalasan at pagkamatay ang haharapin ni Julia Barretto matapos niyang papasukin sa buhay niya ang isang babaeng kamukhang-kamukha niya sa “I AM U,” ang bagong iWant original series na mapapanood sa iWant simula 26 Pebrero, Miyerkoles.

Sa “I AM U,” tampok ang magkatulad sa itsura ngunit magkasalungat sa kinalakihan na sina Elise, na lumaki sa layaw, at Rose, na walang-wala sa buhay.

Magtatagpo ang landas ng dalawa nang iligtas ni Rose ang buhay ni Elise. Dahil sa pagtanaw niya ng utang na loob, ituturing ni Elise na kambal si Rose, at papapasukin ito sa marangya niyang pamumuhay—kasama ang kanyang mga damit, bahay, pamilya, at mga kaibigan.

Dahil unti-unting magiging komportable si Rose sa bago niyang mundo, maiinggit si Elise at nanaising mawala sa kanyang landas.

Sa isang party na magbabago ng lahat, papaikutin ni Elise si Rose at papapasukin sa isang aparador habang naglalaro ng “Truth or Dare.” Ngunit habang nasa loob si Rose, magsisimula ang isang apoy, at maiiwan siyag nakakulong.

Pagtatakpan ni Elise at ng kanyang mga kaibigan ang nangyari at pipilitin itong kalimutan. Ngunit hahabulin sila ng kamatayan, at iisa-isahin sila. Ano ang koneksiyon nito sa pagkamatay ni Rose? Sino na lang ang matitirang buhay?

Ang “I AM U” ay mula sa direksiyon ni Dwein Ruedas Baltazar, ang direktor din ng iWant original series na iWant’s “Past, Present, Perfect?” at “Uncoupling,” sa produksiyon ng Dreamscape Entertainment at The IdeaFirst Company. Tampok din sa cast nito sina Ina Raymundo, Richard Quan, Cedrick Juan, Kokoy de Santos, Adrianna So, Claire Ruiz, Lander Vera Perez, Yayo Aguila, Jenny Miller, at Tony Labrusca.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …