Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
ABS-CBN congress kamara

Sa ABS CBN franchise… NTC nagpasaklolo sa DOJ

INAMIN ni Senador Lawrence Christopher “Bong” Go, humingi na ng saklolo ang National Telecommunication Commission (NTC) sa Department of Justice (DOJ) para sa usapin ng prankisa ng ABS CBN sakaling tuluyan nang mapaso sa katapusan ng Marso.

Ayon kay Go, ito ay upang matiyak kung ano ba talaga ang tamang magiging desisyon sa prankisa ng ABS CBN.

Sinabi ni Go, hindi dapat mangamba kahit sino at magbigay ng konklusyon ukol sa isyu lalo na’t mayroon nang pagdinig na magaganap at naihain sa kongreso ang renewal ng kanilang prankisa na hindi pa naman tuluyang napapa­so.

Kaugnay nito, itinak­da ni Senadora Grace Poe, chairman ng Senate com­mittee on public services ang pagdinig hindi lamang sa prankisa ng ABS CBN kundi maging sa iba pang prankisa na nakabinbin sa kanyang komite.

Naniniwala si Poe, hindi niya kailangan hintayin ang Mababang Kapulungan bago dinggin ang mga nakabinbing resolusyon o panukala sa kanyang komite.

Iginiit ni Poe, mayroon siyang tungkulin o man­dato sa ilalim  ng batas ukol sa kanyang legis­lative function.

(NIÑO ACLAN)

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …