Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, ‘di kinakalaban ang ABS-CBN

TEKA mukhang nagiging magulo ang mga issue. Kung titingnang mabuti, hindi naman masasabing kinakalaban ni Robin Padilla ang ABS-CBN. Hindi naman niya pinakikialaman ang problema sa franchise ng network. Ang sinasabi lang ni Robin sa mga kapwa niya artista, bago makialam sa problema ng franchise ng kanilang network, pakialaman muna ang pagpapabuti ng kondisyon sa trabaho nilang lahat na mga artista.

Kung iisipin hindi dapat mag-react diyan ang mga supporter ng ABS-CBN. Mas dapat mag-react ang GMA 7 dahil sila ang may problemang ganyan, dahil sa nangyari sa actor na si Eddie Garcia. Roon naman nagsimula iyang panibagong usapan tungkol sa working conditions ng mga artista at iba pang manggagawa sa industriya ng pelikula at telebisyon eh.

Ang sinasabi ni Robin na ipaglaban, iyong magandang working conditions, at iyon namang hindi napakalaking disparity sa ibinabayad sa mga sikat na artista at ibang manggagawa na karamihan wala pa sa minimum wage, dahil contractual nga sila at per project ang bayad. Mabuti kung indie na tapos sa loob ng tatlo hanggang apat na araw, eh kung hindi at tatagal ang trabaho, aba eh wala pa sila sa minimum.

Iba iyong ipinaglalaban ni Robin kaysa roon sa issue ng extention ng franchise ng ABS-CBN. Hindi issue iyon sa ABS-CBN, iyon ay isang issue sa buong industriya kabilang na ang mga producer ng pelikula at ang lahat ng iba pang networks. Kaya hindi namin maintindihan kung bakit may mga galit na galit kay Robin at sinasabing hindi na siya dapat kuning artista dahil reklamador siya.

Si Robin din ba ang nagsimula niyong ipinaglalaban niya? Hindi rin eh. Ang gumawa ng circular ay ang DOLE na inayunan niyong FDCP, eh bakit si Robin ang inaaway samantalang sinabi lang niya na may ganoong circular at kailangan nilang ilaban ang pagpapatupad niyon. Dahil kung hindi, circular lang iyan kagaya niyong naunang agreement ng KAPPT at FAP noong panahon ni Rudy Fernandez. Nagkasundo pero hindi ipinatupad.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …