Sa bawat barangay, ang itinatapon na mga plastik na bagay ay hindi lang nagagawang silya ng Eat Bulaga sa kanilang proyektong Plastik ni Juan Project kundi nalilinis pa ang inyong kapaligiran at makaiiwas sa baha. Patuloy ang Bulaga sa pamamahagi ng libreng plastic na upuan sa mga public schools sa buong Filipinas.
At noong Biyernes dinala ng EB Truck ang handog nilang mga silya sa Infanta Central Elementary High School sa Infanta, Quezon at Manggahan National High School sa Rodriguez, Rizal na bunga ng inyong pagbabayanihan, Dabarkads!
Bukod pa roon, ipinamahagi rin ng EB Team ang iba pang gamit sa classroom tulad ng stand fan, water dispenser at metal straw na ikinatuwa siyempre, nang labis ng mga guro at estudyante ng nasabing elementary at national high school.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma