Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Alden Richards Bea Alonzo

Alden Richards, tanggapin kayang kapareha ni Bea?

PAGKATAPOS gumawa ng isang commercial sina Alden Richards at Bea Alonzo, na kinunan pa sa Thailand, may gagawin naman silang movie together.

Bagong kombinasyon at panibagong eksperimento na naman ng Star Cinema.

Tangkilikin din kaya ito ng publiko gaya ng ginawang pagtangkilik sa Hello, Love, Goodbye na itinambal ang actor kay Kathryn?

In fairness sa ka-loveteam ni Maine Mendoza, may hatak naman siya sa takilya, marami kasi siyang fan. Pero sa tingin namin, dapat ay si John Lloyd Cruz na lang ang kinuhang kapareha ni Bea. Sigurado kami na magiging super-blockbuster ang pelikula. Marami kasi ang nasasabik, lalo na ang die-hard fans ng kanilang loveteam, na muli silang mapanood sa isang pelikula.

Natatandaan namin, noong muling gumawa ng movie sina Bea at Lloydie after eight years, ‘yung A Second Chance (2015), sequel ng One More Chance (2007), naging Highest Grossing Filipino Film of All Time ito. Sobrang lakas kasi talaga nito sa takilya. Kaya sana ay sila na lang ulit ang pinag­pareha ng nasabing movie outfit.

After nila, at saka na lang sana nila kunin si Alden bilang kapareha ni Bea, ‘di ba?

MA at PA
ni Rommel Placente

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Placente

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …