Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ivana, Tony, at Donny pumirma ng kontrata sa ABS-CBN (Sa kabila ng maraming umeepal sa renewal ng franchise ng Kapamilya network)

OPISYAL nang Kapamilya ang tatlo sa mga kilalang pangalan sa showbiz industry, sina Ivana Alawi, Tony Labrusca, at Donny Pangilinan matapos pumirma ng kani-kanilang kontrata sa ABS-CBN kamakailan.

Ani Ivana, kasalukuyang napapanood sa FPJ’s Ang Probinsiyano, “Isa itong dream come true. Matagal ko nang gustong maging parte ng network na ito, at ito na ang araw na iyon.”

Pumirma rin ng kontrata si Ivana sa Star Cinema at sa Star Music. Samantala, nagbigay naman ng patikim ang James & Pat & Dave star na si Donny Pangilinan ukol sa mga proyektong kaniyang ginagawa ngayong taon, kabilang ang isang bagong music release na kaniyang inilarawan bilang “naiiba sa kaniyang mga nailabas noon.”

Nang tanungin tungkol sa genre ng pelikula at teleserye na nais niyang gawin ngayong 2020, aksiyon ang unang lumabas sa bibig ng aktor. Isang horror movie, bagong teleserye, at isang iWant Originals series kasama si Julia Barretto.

Ilan lamang ito sa mga proyektong nakahain ngayong 2020 para sa aktor na si Tony Labrusca. Nang tanungin kung magiging kasing “Glorious” ba ng kaniyang proyekto kasama ang beteranang aktres na si Angel Aquino ang kaniyang inihahaing palabas kasama si Julia, sagot ni Tony, “Makikita n’yo na lang, at kayo na ang bahalang humusga.”

Dumalo sa pirmahan ng kontrata sina ABS-CBN chairman Mark Lopez, ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak, chief operating officer ng broadcast Cory Vidanes, TV production head Laurenti Dyogi, head ng films productions na si Olivia Lamasan, head ng ABS-CBN music na si Roxy Liquigan, head ng treasury na si Rick Tan, head ng finance operations na si Catherine Lopez, at head ng Dreamscape Entertainment na si Deo Endrinal.

Yes! Sa kabila na marami riyan ang umeepal sa renewal ng franchise ng ABS-CBN, tuloy ang Kapamilya network sa pagkuha ng mga promising star na tulad nina Ivana, Tony at Donny.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …