Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Taga-Kapuso na raw? Myrtle Sarrosa lumayas na sa Star Magic

USO ba talaga ang layasan ng talent, at matapos maibalita na umalis na sa Viva Artists Agency si Nadine Lustre ay si Myrtle Sarrosa naman daw ang nagbabu kama­kailan sa Star Magic na nag-handle ng career ng sexy actress nang mahabang taon.

Well ang pagkakaiba nina Nadine at Myrtel ay tapos na ang kontrata ng huli sa Star Magic na nagbigay sa kanya ng maga­gandang break samantala si Nadine ay valid o existing pa ang 8-year contract sa Viva na as we heard ay nakatakdang sampahan ng kaso ng Viva Artists Agency kapag hindi nakipag-usap ang morenang aktres kay Boss Vic del Rosario.

Going back to Myrtel, bulong ng isang source ay lumipat na raw sa GMA at nakatakdang gumawa ng teleserye. At hindi lang sa teleserye magiging busy ang actress dahil nag-commit na siya sa Borracho Film Production ng friend niyang si Atty. Ferdinand Topacio para sa Mamasapano movie na “26 Hours” na malapit nang mag-shooting sa Baguio.

Bale field TV reporter ang magiging role ni Myrtel sa nasabing pelikula na tatampukan rin nina Edu Manzano at Ritz Azul.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …