Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jamie & Basil’s Love and Light sa Feb 13 na

IT’S that time of the month na naman-ang buwan ng pag-ibig na kaliwa’t kanan ang concerts na ihahain ng sari-saring producers at artists.

Marami ang ginagawang two nights ang kanilang concert. February 13 and 14. Or February 14 and 15. Mayroong two weekends pa. Gaya ng kina Martin Nievera and Pops Fernandez.

‘Yun nga lang, ang kauna-unahang pagsasama sa isang Valentine’s dinner concert nina Jamie Rivera at Basil Valdez ay sa Pebrero 13, 2020 lang mangyayari sa Mayuree Grand Ballroom ng Dusit Thani Hotel.

Dubbed as Love and Light, hatid ng PLA Events and Nikki Renemer Caranguian with Star Events as media partner, ipinapangako nina Jamie at Basil na hindi lang nila babalikan ang mga hit ng kanilang panahon kundi kasama rin ang mga bago nilang inspirational songs.

Sa titulo pa lang ng kanilang show na Love and Light, sari-saring emosyong nagmumula sa puso ang maririnig natin sa kanilang musika.

“Kahit there’s thie misconception na because I’ve been singing all these inspirational songs, makasalanan pa rin po ako,” say ng Basil. ”Ang masasabi kong parang the small miracles you are referring to is when I sing my songs again, iba na ‘yung perception ko. At one point ang pakiramdam ko, ang Panginoon na mismo ang nagbubulong sa akin ng mga liriko sa kanta. Isang Salmo. ‘Sundin ang Loob Mo.’ At my age, sobrang deep na ang sense of responsibility ko to my listeners. At ‘yun na ang ini-impart ko sa kanila. I pray the Rosary everyday.”

Si Jamie naman, “twenty five years na ako in my career and I have been a singer all my life. Three years ago, we discovered na diabetic ang husband ko. So, I had to help him out sa business niya. Kaya pumapasok ako sa office and after work na lang ang para sa pagkanta. But God is good. Everyday, I find so many little miracles in my life.’Yung nakagagawa ako ng songs eh, a miracle na. Pareho kami ni Sir Basil na malapit na kay Mama Mary!”

For sure, mae-enjoy ko ang dinner show na ito.

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …