Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
fake news

Koreano sa Maynila Pinoy sa Tripoli, kapwa biktima ng nCoV ‘fake news’

UMAPELA ang Embaha­da ng Filipinas sa Tripoli na hangga’t maaari ay tamang impormasyon ang ilathala.

Kaugnay ito ng mga Pinoy na biktima ng fake news sa Middle East.

Hindi lamang Koreano ang biktima ng fake news sa Filipinas kung maging mga Pinoy ay biktima na rin ng fake news sa Middle East.

Labis na ikinalungkot ng Embahada ng Filipinas sa Tripoli ang inilathala ng isang local online publi­cation na larawan ng isang Filipino na nagtatra­baho sa Libya na sina­sabing pinaghihinalaang nagtataglay ng novel corona virus (nCoV).

Maging ang pasaporte at iba pa ang mga detalye ng nasabing Filipino ay inilathala din ng publi­cation sa kabila na nili­naw ito ng mga awtori­dad.

Una rito, ipinaalam ng employer ng Filipino worker sa Embahada  na batay sa medical tests na isinagawa ng Libya health authorities, walang indikasyon na nagsasa­bing ang Filipino national ay nagtataglay ng virus.

Naiintindihan ng Embahada na ang bagay ay public concern, hindi lamang sa Libya kundi sa ibang bahagi ng mundo at hiniling na mga accurate o tamang impormasyon ang mai-publish upang hindi makadagdag sa lumalalang balita sa bagong outbreak.

Nauna rito, isang lasing na Koreano na nakahandusay sa isang bangketa sa Malate, Maynila ang kumalat sa social media na biktima ng nCoV kaya walang lumalapit sa kanya sa takot na mahawa.

Ngunit paglaon, naba­tid na labis na nalasing ang Koreano kaya nahandusay sa bangketa.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …