“PANA-PANAHON lang iyan.” Ito ang tinuran ni Bela Padilla ukol sa pagpapatumba ng pelikula nilang Miracle In Cell No. 7 sa pelikula ni Vice Ganda na The Mall, The Merrier sa katatapos na Metro Manila Film Festival .
Ang pelikula nila ni Aga Muhlach ang naging top-grosser.
Ani Bela, “Weather-weather lang talaga ‘yan!”
Dagdag pa ng lead actress ng On Vodka, Beers and Regrets na mapapanood na sa Feb. 5 sa mga sinehan nationwide, “Pana-panahon lang ‘yun. I was also very happy with Vice kasi ilang years siyang undefeated.
“But again, it’s a film festival to entertain the masses on Christmas day, so I think it shouldn’t be taken too seriously.
“Also, before Vice, mayroon din siyang predecessor na taon-taon ding number one. So feeling ko pana-panahon lang din. And panalo talaga rito ay ang Viva Films kasi parehas pong Viva ang mga pelikula,” giit pa ni Bela.
MATABIL
ni John Fontanilla
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com