Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bakwit ng Tanauan umangal sa gutom at sakit sa evac centers

HABANG may oversupply ng mga damit ang bakwit sa Tanauan City Gymnasium, nagkukulang naman sa mga gamot at pagkain.

Ayon sa mga bakwit, nagkakasakit na sila maging ang kanilang mga anak dahil sa congestion.

Wala rin anila silang regular na rasyon ng pagkain.

Ayon kay Georgina Quembo, taga-Barangay Ambulong ng Tanauan, halos dalawang linggo na silang nasa evacuation center at walang pinagka­kakitaan.

“Inuubo’t sipon na kami rito at hanggang ngayon wala pang sina­sabi kung kailan kami pauuwiin,” ayon kay Quembo.

Si Quembo at ang kanyang asawa na si Domingo ay nagtitinda ng tawilis sa bahay nila malapit sa Talisay.

“Dahil sa kawalan ng kita nagtitiyaga kami sa kung ano ang ibigay sa rasyon,” ani Quembo.

Ganoon din ang rekla­mo ni Jocelyn Austria.

“Hindi po regular ang rasyon, kanina mayroon, ngayon wala,” ani Austria.

Si Austria at Quembo ay parehong taga-Ambulong, ang isa housewife habang nagta­trabaho ang asawa.

Kasama sila sa 1,483 bakwit na lumikas sa Ambulong sa Tanauan at Agoncillo sa Batangas.

Ngayon, sila ay nakatira sa mga cubicle na gawa sa lona higit dalawang metro kuwa­drado ang laki.

Kinuwestiyon nila ang desisyon ng Philippine National Police (PNP) sa pagbabawal na pumasok sa barangay nila ngayong tahimik ang bulkang Taal.

“Tahimik na nga po ang Taal e bakit ga ayaw kaming pabalikin,” himu­tok ni Quembo.

“Sana po, maawa naman sila at pabalikin na kami,” pakiusap ni Austria.

ni GERRY BALDO

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Gerry Baldo

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …