Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

‘D Ninang ni Ai Ai Delas Alas dapat panoorin ng moviegoers

Siguradong 101% ay paghihinayangan ninyo kapag hindi ninyo napanood ang ‘D Ninang na pinagbibidahan nina Ai Ai delas Alas at Kisses Delavin na showing na in Cinemas nationwide starting Jan 22.

Yes, as expected ay dinumog ng fans ang red carpet premiere ng pelikulang pinagbibidahan ni Box Office Comedy Queen (Ms. Ai) sa Cinema 7 ng SM Megamall. At walang halong exaggeration, itinodo na ni Ai Ai ang husay at galing niya sa latest movie niyang ito na gumaganap siya bilang Ditas, Reyna ng Snatcher, pero may puso sa kapwa.

Yes, female version siya ni Robin Hood dito. Iikot ang ku­wento nang matagpuan ni Ms Ai ang kanyang anak na si Mikhai (Kisses Delavin) sa lamay ng ex niyang pulis na may mata­as na ka­tung­kulan. At porke mata­gal na nawa­lay ay mala­yo ang loob ni Mikhai kay Ditas pero napa­tawad din naman pero nang malaman ang raket ay lumayo uli ang loob at kinamuhian ang ina, kahit ang rason ng huling raket ni Ditas sa pangho-hold up sa isang pawnshop ay para sa operasyon niya (Mikhai) sa puso.

Mala Miracle: In Cell No.7 ang ending ng ‘D Ninang na si Mikhai ang siyang nagtanggol kay Ditas kaya napalaya siya after magdusa sa kulungan nang walong taon.

Pawang mahuhusay ang artistang bahagi ng pelikula at saludo kami sa galing dito ng bagong Regal Babies na si Angel Guardian bilang si Sol na prinsesa ng snatcher na naki­pagsabayan sa husay ng kanyang Mama Ai Ai.

Agaw eksena rin ang character ni Kiray Celis na kikay sa buong movie. At ‘yung lalaking pupunta sa kanyang liligawan na hinoldap ni Ditas at ibinigay lahat ang kanyang gamit habang tumutugtog ang background music na “Kunin Mo Na Ang Lahat Sa Akin.”

Siyempre given na ang husay sa pagganap ni Lou Veloso na pinama­katandang snatcher na lasenggo. Contravida naman sa pelikula si Joey “Tsong” Marquez at may enkuwentro sila rito ni Ditas. Dito nakita ang galing ni Ms Ai sa action scenes.

Bukod sa drama at comedy ay mapapanood rin ang kilig-kiligan moments nina Kisses at McCoy de Leon at nakatatawang panliligaw ni Kelvin Miranda kay Angel na madalas sopla sa dalaga.

Kaya huwag kalilimutang panoorin ang Ninang for All o Tanging Ninang na si Ms. Ai at siguradong uuwi kayong nakangiti sa ganda at sobrang entertaining na movie ng Regal Multimedia Incorporated.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …