TAWANG-TAWA kami sa bagong comedy movie na handog ni Ai Ai delas Alas mula Regal Films, ang D’Ninang.
In fairness, madalas ang hagalpakan sa sa isinagawang Red Carpet Premiere Night noong Lunes ng D’Ninang dahil sa mga nakatatawang eksena at hirit ng Comedy Queen. Pwede na ngang masabing Ai Ai is back at ibang-iba talaga ito. Kuwelang-kuwela.
Kung komedya ang hanap nyo, tiyak na hindi kayo mabibigo sa pelikulang ito. Gusto kong palakpakan si Direk GB Sampedro dahil magaling pa siyang magdirehe ng komedya.
Napahanga rin kami sa galing ni Angel Guardian na introducing sa pelikula. Talagang nagmarka ang role niya bilang anak-anakan ni Ai Ai na pinagselosan si Kisses Delavin, ang tunay na anak na napabayaan at iniwan sa pangangalaga ng ama, nang dumating sa buhay nila. Magaling si Angel lalo na roon sa eksenang sinampal niya si Kisses kaya sinampal din siya ni Ai Ai. Ramdam namin ang selos at galit niya. Kaya naman mapapa-bravo ka sa kanya dahil parang sanay na sanay na siya umarte.
Natuwa rin kami sa role ni McCoy de Leon bilang manliligaw ni Kisses. Magaling magbitaw ng mga hirit na tila corny pero cute na paraan ng panliligaw kay Kisses. Magaling din siyang magp-cute at magpakilig ha.
Okey din sina Kiray Celis bilang kasambahay ni Ai Ai at si Lou Veloso na agaw-eksena sa kanilang mga punchline.
Showing na bukas sa mga sinehan ang D’Ninang na hindi lang magpapatawa kundi magpp-iyak din at mag-iiwan ng magandang mensahe sa mga manonood.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio