Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Blackpink, sobrang humanga sa galing nina Ella at SB New Gen

MALAKI ang pasasalamat ng grupo ni SB (Sexbomb) New Gen Jara Cancio (mgr) kay Ella Cruz dahil isinama sila sa BlackPink show, ang Awesome Live na ginanap sa Jakarta, Indonesia, kamakailan.

Si Jara ay anak ni Joy Cancio na siya nang nag-aaaikaso sa mga baguhang Sexbomb, ang SB New Gen.

Nakakuwentuhan namin si Joy at naikuwento nga nito ang pagsali nina Ella at nina Eunice at Daphny ng SB New Gen. Nasabi nitong sobrang idolo nina Ella at SB New Gen ang K-pop girl group na BlackPink kaya naman sobra-sobra ang excitement at kaba ng mga ito nang sila ang maging representative ng Pilipinas para sa BlackPink’s dance cover competition ng Samsung Galaxy A Awesome Live event.

Bale sina Eunice at Daphny ang naging back-up dancers ni Ella sa dance competition na sobrang hinangaan ng BlackPink members at nagsilbing hurado na sina Jennie RoseJisoo, at Lisa na ginanap sa Tennis Indoor Stadium Senayan in Jakarta, Indonesia noong Enero 14.

Kitang-kita kung paanong napa-wow ang BlackPink sa naging performance nila gayundin ang tila pagsaludo nina Liza ay Jisso habang nagsasayaw ang tatlo. Ibinahagi ni Ella sa kanyang IG account ang video ng performance nila at iyong reaksiyon nina Liza at Jisoo.

Aniya sa caption ng video, “Highlight of our performance! TOTOO BA TO! Full performance vid will be uploaded tomorrow and also BLACKPINK’s reaction! #AWESOMELIVE #GalaxyAwithBlackpink”

Sina Ella, Eunice, at Daphne ginawaran ng Awesome Cover award.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …