Saturday , November 16 2024

‘Window hours’ sa Batangas, ipinahinto ni Año

IPINATIGIL ni Depart­ment of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ang implementasyon ng ‘window hours’ na ipinagkakaloob nila para sa ilang nagsilikas na residente ng Batangas na nais bumalik sa kanilang mga tahanan upang kunin ang kanilang mga personal na gamit o ‘di kaya’y pakainin ang kanilang mga alaga, na naiwan sa kanilang mga tahanan na direktang tinamaan ng pag-alboroto ng bulkang Taal.

Ayon kay Año, nag­bigay lamang sila ng humanitarian con­side­ration sa mga naapek­tohan ng pagputok ng bulkan ngunit kailangan nilang maging estrikto sa pagpapatupad ng ‘window hour’ at hindi maaaring araw-araw na  papayagan ang mga residente na makabalik sa kanilang mga bahay.

Nabatid na pinayagan ng DILG ang local govern­ment units (LGUs) na magdesisyon kung mag­bibigay ng ‘window hours’ sa mga residente, depende sa paabiso ng PhiVolcs.

“…actually I would provide instruction to the LGUs, ‘yung mga nakapag-provide na ng window hours, stop na ‘yun… hindi puwedeng araw-araw. Nagbigay lang tayo ng konting humanitarian consi­deration. We need to be strict,” pahayag ni Año.

Binigyang-diin ni Año, ang prayoridad nila ay kaligtasan ng mga resi­dente kaya’t hindi nila maaaring isugal ang buhay lalo’t nananatiling mapanganib ang sitwa­syon sa paligid ng bul­kang Taal.

Paliwanag ni Año, walang nakaaalam kung kailan puputok ang bulkan kaya’t hangga’t nakataas ang Alert Level 4 ay mahigpit nilang ipatutupad ang ‘lock­down’ sa mga lugar na nasa loob ng 14-KM danger zone, gayondin ang mandatory evacua­tion sa mga residente.

Iniulat ng DILG chief na nasa 98% ng mga residente sa bisinidad ng Taal ang nailikas nila sa ngayon simula nang itaas ang alerto ng bulkan sa Level 4 nang pumutok ito noong 12 Enero.

Kabilang sa mga lugar sa Batangas na nananatiling naka-lockdown ang Agoncillo, Tanauan City, Talisay, at San Nicolas ngunit kamakailan ay pinayagan ng mga awtoridad ang mga residente sa Agon­cillo, Tanauan, at San Nicolas na makabalik sa kanilang mga tahanan upang makakuha ng ilang gamit at mga alagang hayop, sa limitadong oras lamang.

ni ALMAR DANGUILAN

MARAMING LINDOL
INDIKASYON NG MALAKAS
NA PAGSABOG

MATINDING banta ng pagsabog ang indikasyon ng maraming paglindol na ibig sabihin ay uma­angat ang magma sa bunganga ng bulkang Taal.

Ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) director Renato Solidum, sakaling suma­bog ang bulkan, magla­labas ito ng ring of clouds na mapanganib sa tao.

Ito aniya ang dahilan kaya hindi pa ibinababa ng Phivolvs ang alert level 4 sa bulkang Taal.

Maaari aniyang hindi nakikita ng ordinaryong mamamayan ang mga aktibidad sa loob ng bulkan kaya inaakala na tahimik na ito.

Kaugnay nito, ipinag­bawal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng commercial activities na sakop sa 14-kilometer danger zone.

Inilabas ng DILG ang kautusan kasunod nang pagbubukas ng ilang establisimiyento sa Tagay­tay City sa Cavite isang linggo matapos ang pagsabog ng bulkang Taal.

Ipinagbawal rin ang pagbibigay ng window hours ng mga lokal na pamahalaan sa mga residente para makabalik sa kanilang mga inaban­donang bahay habang nakataas sa alert level 4 ang bulkang Taal.

(ROSE NOVENARIO)

P50-M HATAG
NI DIGONG SA BIKTIMA
NG TAAL ERUPTION

BINIGYAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P50 milyon ang mga lokal na pamahalaan ng Batangas na naapektohan ng pag­sabog ng bulkang Taal.

Nagtungo kahapon ang Pangulo sa PUP Gymnasium para pangu­nahan ang pamamahagi ng food packs sa mga bakwit.

Sinabi ni Sen. Christopher “Bong” Go, binigyan ni Pangulong Duterte ng tig-limang milyong piso ang Lipa City, Agoncillo, Tanauan, Mabini, Batangas City, San Luis, Sto. Tomas, at San Jose.

Habang ± 10 milyon sa pamahalaang panlala­wigan ng Batangas.

(ROSE NOVENARIO)

About Almar Danguilan

Check Also

Robin Padilla West Philippine Sea WPS

Para sa impormasyon tungkol sa West Philippine Sea
SEN. ROBIN, PCG GAGAWA NG PELIKULANG ANTI-FAKE NEWS

MAY pinaplanong sine si Sen. Robinhood “Robin” C. Padilla para maghatid ng tamang impormasyon sa …

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *