Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

JC, umamin na: Kasal na at magkakaroon na ng baby

DAHIL wala naman daw nagtatanong sa kanya about his lovelife and other personal things about him, nagawa nang magsalita ng aktor na si JC Santos sa katotong Allan Diones sa press conference ng pelikula ni Irene Emma Villamor na On Vodka, Beers and Regrets na mapapaood sa Pebrero5, 2020 ukol dito.

Inamin ni JC sa interbyu niya na, siya ay kasal na kay Shyleena Herrera. Naganap ito sa isang simpleng kasalan noong Setyembre 2019. At isisilang na ni Shy ang kanilang panganay sa susunod na buwan.

Kaya kung tatanungin pa si JC kung mayroon pa siyang masasabing regrets sa buhay niya, malamang na ang dalawang magagandang pangyayari sa buhay niya, pati na ang isang mag­andang karera na napuno rin ng magagandang trabaho ang tumabon na roon.

Kasama ang kanyang leading lady na si Bela Padilla, nausisa rin ang dalawa sa sinasabing, ”kapag mag alak, may balak” na sinasabi sa mga eksenang inuman.

Hindi natapos ni JC ang pag-amin din niya na muntik na nga raw na mangyari ‘yun sa kanya sa isang inuman a long time ago.

Hindi na nga nito nasabi kung sino ba ang kainuman niya that time.

Siguro nga, what keeps JC a real hottie eh, ang pagkakaroon nito ng mysterious effect. Na kahit naman malaman ng mundo na may suot na siyang wedding ring at magiging isa nang Daddy, well, ang tambalan uli  nila ni Bela ang magpapatunay na isa pa, bibinggo na talaga ang tambalan nila.

Tama ba na sinabi ni Bela na magni-ninang siya sa magiging baby nila ni Shy?

Let’s drink to that pero no regrets, ha!

HARD TALK!
ni Pilar Mateo

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …