BASE na rin sa mababang kabuuang kita na hindi man lamang umabot sa P1-B ng Metro Manila Film Festival 2019 ay puwede nang sabihing superflop ang katatapos na festival.
Marahil isang rason dito ay ang mas mataas na bayad sa sine na umaabot sa P310 na halos katumbas na ng anim na kilong bigas. Kaysa nga naman manood na ilang buwan lang ay mapapanood din sa TV, ibili na lang ng mga pangangailangan sa bahay.
Isa pang din rason ay luck of publicity lalo na’t nag tipid ang pamunuan ng 2019 Metro Manila Film Festival na pinagdamutan ng free pass ang mga press kaya naman wala masyadong nag-review ng mga pelikulang palabas. Kaya naman ang mga pelikula lang na naging generous sa kanilang grand mediacon ang mababasa mo like Miracle In Cell No. 7 at 3Pol Trobol Huli Ka Balbon.
And maaari rin na naging sunod-sunod ang sakunang nangyari sa bansa, pagtaas ng presyo ng bilihin atbp., pagtitipid ng mga Pinoy kaya hindi na nagawa pang manood ng mga pelikulang kasama sa taunang festival.
MATABIL
ni John Fontanilla