Monday , December 23 2024

Malls papanagutin sa sasakyang napinsala sa parking

MATAPOS mabiktima si ACT-CIS Party-list Rep. Nina Taduran ng basag kotse gang sa SM Sta. Mesa, ipinanukala ni Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera Dy sa Kamara na linawin ang responsibilidad ng nga establisimiyento sa kanilang customers.

Sa  House Bill 3215 na inihain ni Herrera, dapat ma-regulate at maging malinaw ang patakaran sa pay parking areas.

“While there are available parking spaces, safety measures are often undermined despite the imposition of costly fees. With the amount of collected payments, establishments must be responsible for the vehicles and the belongings inside the vehicle,” ani Herrera.

Inilinaw sa panukala ni Herrera, hindi maaaring itanggi ng carpark operator ang pananagutan sa sasakyan na maaaring masira o manakawan.

Karamihan sa mga carpark ay nagpapaskil ng babala o paunawa na hindi nila pananagutan ang ano mang sira o pagnanakaw na mangyari sa mga sasakyan na naka park doon.

Nakasaad din sa panukala na magkakaroon ng standard operating procedure sa parking space.

“Varied parking regulations of different cities and establishments cause confusion to the people. For the interest of the general public, the state shall prioritize public welfare and work towards creating a standard for establishments to follow,” ani Herrera sa panukala.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *