Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Bianca, kuntento sa career, blessings ‘di mabilang

SA pagtatapos ng 2019, tinanong namin si Bianca Umali kung ano ang  mga hindi kagandahang nangyari sa kanya?

“2019? Marami.

“Mahirap i-mention, pero marami, hindi lang ‘yun isa, marami, kasi hindi ko…hindi ako magiging successful kung hindi ako magfe-fail.”

Walang New Year’s resolution si Bianca…”Hindi naman po sa hindi naniniwala, but matagal na po akong hindi…I’ve always been looking for resolutions or wishes, ‘di ba po ‘pag birthday, ‘O, mag-wish ka muna.’

“Wala po talaga akong maisip and I realized already na kaya siguro wala akong resolutions and walang wish kasi kuntento na ako sa kung ano ‘yung mauroon ako at sa kung paano ako.

“I always say na instead of wishing for more or asking for more, I would just like to say thank you, kasi I’ve already been blessed with so much more than what I’ve asked for before.”

Ginawaran si Bianca ng star sa Walk Of Fame ng GMA na bukod kay sa kanya ay binigyan din sina Aicelle Santos, Roi Vinzon, Yasmien Kurdi, Miguel Tanfelix , Kris Bernal, Ai Ai delas Alas, Gabby Concepcion, Carmina Villarroel, Dion Ignacio, Iya Villania, John Feir and Megan Young at ang mga GMA News and Public Affairs personalities na sina Emil Sumangil, Oscar Oida, Marisol Abdurahman, Rovilson Fernandez, Lala Roque, JP Soriano and Atom Araullo.

Abala ngayon si Bianca sa HBO series na Halfworlds na siya ang bida.

Rated R
ni Rommel Gonzales

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …