Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Guilty verdict inaasahan vs mga akusado sa Ampatuan massacre

NAKAABANG ang sambayanang Filipino ngayong araw sa magiging hatol ni Judge  Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis-Reyes sa mga akusadong sinabing sangkot sa naganap na Ampatuan massacre noong 2009 sa Maguindanao.

Marami tayong naririnig na ‘guilty’ ang magiging hatol sa mga akusado.

Mantakin n’yo nga naman, sino ba naman ang magsasabing, 10 years ago ay maraming buhay ng mga mamamahayag ang mawawala matapos masangkot sa nasabing masaker.

Ayon kay Maguindanao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu, sana’y “guilty” ang maging hatol sa pumatay sa 58 katao kabilang rito ang 32 kagawad ng media.

Ngayong araw nga ay babasahan ng hatol ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Judge Jocelyn Solis-Reyes ang mga akusado sa Ampatuan massacre.

“Imposibleng walang makuhang marami­hang guilty verdict lalo sa major suspects maging sa mga nagplano. Positibo kami roon,” ani Mangudadatu na namatayan ng asawa sa naturang insidente na nangyari noong 23 Nobyembre 2009.

Magugunitang, ang asawa at kapatid ni Mangudadatu at mga kagawad ng media ay patungo sa tanggapan Commission on Elections (Comelec) sa nasabing bayan para ihain ang kanyang certificate of candidacy (COC) nang harangin ng mga tauhan ni Ampatuan, ang mayor ng lugar sa panahong iyon.

Ang Ampatuan massacre ay itinuring na pinaka-karumaldumal na krimeng nagawa sa hanay ng media.

Ang mga pangunahing suspek sa nasabing krimen ay Andal Ampatuan Sr., nauna nang pumanaw; at dalawang anak na si Andal Ampatuan, Jr., at Zaldy Ampatuan at mga tauhan nila. 

Matapos ang 10 taong paglilitis, ibababa na ang hatol sa mga akusado, pawang nakakulong  sa Quezon City Jail Annex, Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City.

“Kung anoman ang pasya, irerespeto ko. Pero handa kaming umapela kapag ‘di nakuha ang hustisya,” ani Mangudadatu.

Para sa mga mamamahayag at ilang mga kababayan — katarungan para sa mga biktima!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …