Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco, isa sa pinaka-respetadong aktor

HINDI namin alam kung paano at saan kinukuha ng ating sikat na King of Primetime Television na si Coco Martin ang kanyang lakas sa araw-araw.

Grabe sa kasipagan ang aktor. Mula sa pagdidirehe ng kanyang weekday series na FPJ’s Ang Probinsyano under Dreamscape PH na kamakailan ay nag-celebrate ng ika-apat na anibersaryo, nagawa pa nito ang pagsu-shooting ng 3Pol Trobol: Huli Ka Balbon mula sa kanyang CCM Productions at official entry sa Metro Manila Film Festival 2019.

Well, ganyan kapursigido si Coco sa kanyang karera bilang isang aktor. Ganyan niya kamahal ang kanyang pinasok na trabaho kaya naman buhos-buhos din ang mga taong patuloy na nagbibigay tiwala sa kanya. Higit pa roon, dahil sa kanyang kagustuhan ding makapagbigay tulong din sa ilang kasamahan sa pelikula at telebisyon.

Actually, noong inuumpisahan palang ni Coco ang pagdidirehe sa kanyang sariling series ay napakarami ang nagtaas ng kilay sa kanya. Kinuwestiyon ang kanyang kakayahan at marami ang nagsabing hindi siya magtatagumpay.

Well, ang biyaya ay ibinibigay talaga sa mabubuting tao. Na kahit anong devastation ang gawin mo na ginawa naman ng kanyang mga detractor ay kabutihan pa rin ang nagwawagi sa huli!

Masasabi nating isa na si Coco sa most respected actor hindi lang sa dami ng nagmamahal at sumusuporta sa kanya kundi dahil din ‘yun sa mga nagawa niyang kabutihan sa kapwa sa industriyang ito. Kahit sinong nakatrabaho ni Coco, iisa lang ang sagot nila, una ay ang kasipagan ni Coco at pangalawa ay ang kanyang kabutihan!

Kaya naman ngayong December 25, huwag nating kalimutang tulungan  si Coco para mas marami pa siyang matulungan din sa pamamagitan ng panonood natin sa kanyang MMFF entry na 3Pol Trobol na siya mismo ang nagdirehe.

Kaaliw ang movie mga kaibigan! Sobrang kakaiba ito sa napapanood natin sa kanya na ginagawa na niya sa kanyang series.

REALITY BITES!
ni Dominic Rea

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …