Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vice Ganda, mas happy ngayong Pasko dahil kay Ion Perez

FEELING ni Vice Ganda, may keps siya during the presscon ng kanyang latest movie niyang The Mall The Merrier, official entry  ng Star Cinema para sa Metro Manila Film Festival.

Pa-girl kasi ang mga tanong ng press ukol sa kanilang dalawa ni Ion Perez. Kahit kami ay pa-girl din ang naibatong tanong na ikinatuwa naman ni Ganda.

Well, hindi naman maipagkakaila na kung followers lang ang pag-uusapan about Vice, sigurado naman tayong lahat na umaariba naman talaga si Ganda every MMFF.

Sa aming pakikipagtsikahan, sinabi ni Vice na ibang-iba itong handog niyang katatawanang pelikula with Anne Curtis. Bagong-bago ito sa panlasa nating manonood at hindi pa natin ito narinig o napanood sa kanya sa araw-araw niyang pagho-host sa It’s Showtime. Masaya ang pelikula ayon kay Vice.

Pero ang mas masaya ay itong Paskong ito dahil may kasama na rin siyang gugunita. Ito ay si Ion Perez na hindi niya sukat akalaing magiging bukambibig ng madlang pipol at ng buong mundo na ipinagsisigawang mahal siya.

Deserve naman ni Ganda ang magkaroon ng lovelife at naniniwala  siyang may true love pa rin!

Kung may mensahe siya ngayong Pasko sa mga sumusuporta sa kanya ito ay ang panoorin nila ang kanyang latest movie at patuloy pa rin siyang magpapatawa araw-araw sa It’s Showtime at maging happy lang sa buhay.

REALITY BITES!
ni Dominic Rea

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …