Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cellphone at puting medyas, bawal kay Coco

KUNG tutuusin OA o over-acting na si Coco Martin sa sobra niyang pagmamahal o pagkakaroon ng passion sa mundong kanyang niyakap.

Biruin mo, siya na nga ang artista, siya pa rin ang producer, editor, at iba pang papel sa kanyang Ang Probinsyano na apat na taon nang umeere.

At pagdating sa pelikula, super hands on din ito. Gaya ng ginawa niya sa pang-MMFF2019 entry na 3PolTrobol Huli Ka Balbon.

Kaya, walang maireklamo sa kanya ang mga star na hawak niya sa TV man o sa pelikula.

Marami palang rules na isinasagawa basta nasa set ka ng CCM o Coco Martin Productions.

“Bawal po ang cellphone basta nagsimula na ang shoot. Either nasa bag o bulsa mo po siya. Hindi mo magagalaw hangga’t hindi tapos ang trabaho,” ayon kay Sancho delas Alas.

Para naman kina Bassilyo at mga kasamahan, ”Bawal po ang ma-late sa shoot. Kasi, P10K ang multa. Para pakainin ang buong cast and crew. Kapag sinabi po na 5:00 a.m. ang call time, pagpatak ng 5:00 a.m. ready ka na dapat sa gagawin mong eksena. At alam mo ang gagawin mo.”

Ang sabi naman ni Smugglaz”Para nga po kaming nasa kampo. Kasi, biglaang may ginagawang inspection si Sir Coco. Totoo po ‘yun! Bigla na lang magche-check sa mga suot naming medyas. Kailangan itim. Kung hindi may multa na naman.”

Kaya ang sabi nga ni Coco, para hindi sila ma-trobol, mas maganda na sumunod na lang sila.

“Ang akin lang naman, nadaanan ko na ang mga dinaraanan ngayon ng marami sa kanila. Na pinaghirapan ko rin naman. At ang isang natutuhan ko eh, ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili ko. Iba noon. Iba ngayon. Pero ang mga bagay na tulad ng disiplina at pagiging handa sa lahat ng oras para ka maging professional na artista eh,  hindi naman magbabago.”

Gusto lang ni Coco na magpasaya ng mga manonood. Kaya totoo naman  ang sinabi nito sa makakatunggali sa box-office na si Vice Ganda  na okay na sa kanya na maging first runner-up nito sa MMFF 2019.

HARDTALK
ni Pilar Mateo

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Pilar Mateo

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …