Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joshua, ayaw munang makipag-date, ‘di kayang pagsabayin ang love at work

IPINAGTAPAT ni Joshua Garcia na ayaw pa niya o hindi pa siya handing makipag-date pagkatapos magwakas ng relasyon nila ni Julia Barretto.

Pero unti-unti naman niyang nao-overcome ang pagiging introvert sa mga nangyari sa kanya.

“Mas marami akong nakikilala ngayon at nagiging kaibigan,” anang binata sa The Killer Bride presscon. ”Mas luminaw ang mundo ngayon. Mas lumuwag, mas open ako sa lahat.”

Sinabi rin ni Joshua na tila mas masarap sa ngayon ang wala siyang commitment at sarili lang niya ang iniisip.

“Sa work ko and sa the way ako mag-isip opo. Kasi parang hindi ko kayang pagsabayin ang dalawa—love and work. Kasi medyo hindi ko pa rin kayang i-handle ang oras ko. Lagi kasi akong tulog eh,” sambit ni Joshua at iginiit na hindi naman siya na-trauma sa love.

“Siguro mas nagpo-focus lang ako ngayon sa opportunity na ibinibigay sa akin kasi ang tagal ko na rin sa showbiz, six years nang mahigit, ayaw ko namang sayangin, ” paliwanag ng binata.

At kahit sabihin pang iba pa rin ang may inspirasyon, giit ni Joshua, ”Sapat na ho sa akin ang pamilya ko ngayon. One hundred percent naman akong inspired sa kanila.”

Nang tanungin si Joshua kung may communication pa sila ni Julia, sagot nito, ”Last time ko siya nakausap noong birthday ko at saka noong station ID ng ABS-CBN.

“Noong nakita ko siya nahihiya ako at talagang nasa-shy ako kapag nakikita ko siya. Civil lang kami talaga. Relax lang at friends kami,” ani Joshua.

Nang tanungin kung paano sinuportahan ni Joshua si Julia nang malagay ito sa isyu nina Bea Alonzo at Gerald Anderson. ”Sa ngayon hindi ko pa alam kung anong projects ang gagawin eh, pero kung ano man iyon, happy ako kasi back to work na uli siya.

Happy naman si Joshua na sinuportahan ng publiko ang tambalan nila ni Janella Salvador sa The Killer Bride”Oo nga nababasa ko nga mga tweets nila eh. Nakaka-happy ‘yung mga reaksiyon nila. Nasasaktan sila kapag nasasaktan ang mga character namin ni Janella. Sobrang happy ako.”

Bonding moment nila ni Janella ay kumain pero aminado naman siyang hindi niya alam kung bakit ang payat niya ngayon sa kabila nang madalas nilang pagkain ng aktres.

“Recently nagkakanin na uli ako at kain ako ng kain. Siguro sa puyat na rin at malayo ang taping namin. Pero sa ngayon hanggang 2:00 a.m. na lang ang shoot namin kasi may cut-off na ang lahat. Sa ngayon malapit na ang location ng shooting namin, sa Quezon City na lang,” sabi pa ni Joshua.

Ukol naman sa The Killer Bride, abangan ang paglabas ng tatay ni Joshua.  ”Hinahanap ko na ang tatay ko and tingnan natin kung ano ang ibibigay na back story ng tatay ko sa lahat ng nangyari sa Las Espadas. Feeling ko susi siya sa lahat ng nangyayari ngayon eh, so abangan natin ang unang pagtatagpo ng tatay ko.”

Wish ni Joshua ngayong Kapaskuhan, ”Sana matuloy lahat ng mga project na sinabi sa akin next year.”

Hindi naman masagot ni Joshua kung package deal pa rin sila ni Julia sa mga endorsement o commercial. “Hindi ko po alam kasi nasa client na po iyon eh.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …