Monday , December 23 2024

Nathalie Hart, sasabak ulit sa pagpapa-sexy?

Hiwalay na raw si Nathalie Hart sa live-in partner niya na ama ng kanilang anak.

Sa panayam kay Natha­lie ni Kuya Boy Abunda sa Tonight with Boy Abun­da ay inamin ng sexy actress na hiwalay na sila ng Indian boyfriend ni­ya.

Balitang hindi kasi nag-workout ang kanilang rela­syon at ang kanyang de­sisyon ay para sa ikabubuti ng kanilang anak. “It wasn’t a happy home, so better for us to have separate lives for my daughter to have a happy environment,” anang aktres.

Although aminado si Nathalie na may feelings pa rin siya sa father ng kanyang anak.

Samantala, dahil single parent na si Nathalie at kailangang kumayod para sa kanyang anak, ito kaya ang maging rason para sumabak siyang muli sa mga daring at sexy films?

Matatandaang naging super-daring at nagpa-sexy nang husto si Nathalie sa pelikulang Siphayo ng BG Productions Inter­national ni Ms. Baby Go, na pinama­halaan ni Direk Joel Lama­ngan. Tampok din siya sa pelikulang Tisay, na entry sa Cinema One Original.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Check Also

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

Atong Ang Sunshine Cruz.

Atong Ang inamin relasyon kay Sunshine

INAMIN ng negosyanteng si Atong Ang na may relasyon sila ng aktres na si Sunshine …

Bong Revilla Jr Boss Toyo Beauty Gonzalez Walang Matigas Na Pulis sa Matinik Na Misis

Sen Bong walang nakikitang mali sa mga lalaking takot sa kanilang misis 

MATABILni John Fontanilla MATALINO, mapagmahal, may puso. Ito ang paglalarawan ni Senador Bong Revilla sa …

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *