Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kontento sa live-in set-up… Jake Cuenca ayaw pa munang mag-propose kay Kylie Verzosa

ISANG taon na ngayong December ang relasyon nina Jake Cuenca at Kylie Verzosa at happy ang dalawa sa kanilang set-up bilang live-in partners.

At masaya ang Christmas ni Jake dahil nandiyan si Kylie sa buhay niya na nagpapasaya ng bawat araw niya.

Kaya naman sa mediacon ng bago nitong horror serye na “The Haunted” kasama ang leading lady na si Shaina Magdayao na after seven years ay muli niyang nakatrabaho with Denise Laurel ay kita sa aura ni Jake na fresh looking kasi nga maayos ang takbo ng career at blooming ang lovelife.

At dapat pala ay sa cruise magse-celebrate ng kanilang Christmas si Jake and Kylie pero dahil kailangan mag-taping ni actor at mag-promote ng MMFF movie nila ni Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza na “Mission Unstapabol” ipinagliban muna nila ito at after Chistmas na sila magba­ba­kasyon o mag-Asian cruise.

Sa tanong naman kung nag-propose na ba ang actor sa girlfriend na beauty queen-actress?

Ani Jake, wala pang ganoong plano, at saka nag-i-start pa lang daw sa kanyang career si Kylie kaya sinusuportahan niya muna.

“Nakikita ko na very fashionate siya (Kylie) about acting, about being an advocate for mental health, so gusto ko naman na ma-enjoy niya muna iyon.

“So, no pressure. ‘Yun din naman ‘yung kung baga, sikreto kung ba’t masayang-masaya kami. Kasi wala kaming pressure talaga.”

Nag-umpisa na palang manakot sina Jake, Shaina, Denise, at Rita Avila sa kanilang weekly series na The Haunted na mapapanood every Sunday, 8:00 pm.

Parte rin ng cast sina Victor Silayan, Alex Castro, Rubi Ruiz, Simon Ibarra, Ingrid dela Paz, at ang childstar na si Queenzy Calma na gaganap na anak nina Jake at Shaina. Mula ito sa direksiyon ni Emmanuel Q. Palo.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Liza Soberano

Liza Soberano nag-iingay na naman

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ITONG si Liza Soberano, kahit hindi na based ang career sa bansa …

Will Ashley Mika Salamanca

Will at Mika na-bash sa patakip-takip ng mukha sa HK

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “Ang arte naman. Nasa Hongkong na eh may patakip-takip pa ng …

Richard Gutierrez Barbie Imperial

Richard at Barbie package deal?

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “What you see is what you get,” nga ang kapwa nasabi nina Richard …

Ralph Dela Paz

Newbie actor sinalubong ng malaking project

MATABILni John Fontanilla THANKFUL and grateful si Ralph Dela Paz sa Diyos dahil sa pagpasok ng taong …

Will Ashley Dubai

Will Ashley dinumog at inulan ng regalo sa Dubai

MATABILni John Fontanilla FEELING winner ang  kapuso teen actor na si Will Ashley sa suporta at dami …