NILINAW ni Meryll Soriano na mahalaga ang papel ni John Lloyd Cruz sa Metro Manila Film Festival entry nilang Culion bagamat maigsi lamang iyon.
Kasabay nito’y sinabi ng aktres na hihingi siya ng paumanhin dahil nagkaroon ng usapin ang guesting ng actor sa pelikula. Kaibigan kasi ni Meryll si Lloydie at isa siya sa dahilan kung bakit napapayag lumabas ang actor sa kanilang pelikulang handog ng iOption Ventures.
Ani Meryll sa Culion grand event kamakailan, nagpapasalamat din siya kay John Lloyd dahil ito na ang gumawa ng paraan para i-explain ang guesting sa Culion.
“From the very beginning, napaka-paramount kasi niyong role ni John Lloyd sa character ko. It was a friendly request. Masaya kami na pumayag din siya. It’s just one scene. Sobrang ikli lang.
“But sobra siyang essential doon sa character ko na si Ditas. Maiintindihan ng lahat kung bakit ganoon ‘yung character niya. He’s somebody from the past ni Ditas na iniwanan niya,” paliwanag ni Meryll.
“It’s such a great relief na siya ‘yung gumawa ng eksenang ‘yun because I miss him. Kasama ko siya sa ‘Honor Thy Father,’ kaibigan ko siya. So, nasiyahan ako na pumayag siya,” dagdag pa ng aktres.
Kung matatandaan, nagpahayag ng sama ng loob si John Lloyd nang lumabas na comeback movie niya ang Culion gayung napakaigsi naman ng kanyang partisipasyon.
“We have to respect how he feels. Hindi natin alam kung ano usapan nila but we have to respect how he feels kung ‘yun ang nararamdaman niya and siguro on behalf of the whole production and the whole film, I would like to apologize kung nasaktan siya roon sa nangyari and hindi ‘yun intentional,” giit ni Meryll.
“Talagang excited lang lahat na ipakita na kasama siya sa film ‘di ba? Siguro nagkaroon lang ng miscommunication. Nag-reach out ako pero hindi ganoon ang mga pinag-usapan, ‘yung chikahan namin kung kailan siya uuwi, like going back to being friends. Pero you know hindi namin napag-usapan ito kasi work din siya eh.”
Pero nilinaw ni Meryll na hindi siya nagi-guilty sa na-feel ni Lloydie, “Wala naman kaming problema. Kasi nagtsitsikahan kami kung kailan bibisita. Mayroon kaming projects na iniisip na gawin. So, okay kami definitely. I don’t think I should feel guilty.
“It was a request. He granted it. I mean everybody was excited to work with him. So, bakit ako magi-guilty? Nagkausap kami pero between us na lang siguro ‘yun bilang magkaibigan. Hindi na ‘yun dapat ilabas kung ano man ‘yun. Kasi siyempre gusto ko rin marinig ‘yung side niya pero amin na lang siguro yun,” sambit pa ng aktres.
Kasama rin sa Culion sina Iza Calzado, Jasmine Curtis-Smith, Joem Bascon, Suzette Ranillo, Mark Liwag, Simon Ibarra, Lee O’Brian, Joel Saracho, Mai Fanglayan, Nico Locco at marami pang iba.
Rated PG ang Culion at mapapanood na rin sa December 25.
SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio