Thursday , December 26 2024

Pasugalan ni Boy Abang

BAKIT ba masasabing may asim pang taglay ang gambling lord na si Oscar Simbulan alyas Boy Abang kapag ilegal na sugal ang pinag-uusapan?

Kung hindi ba naman malupit itong si Abang, bakit patuloy na namamayagpag ang kanyang mga ilegal na bookies ng karera?

And take note, nakapipinsala nang malaki sa operasyon ng gobyerno ang ilegal na bookies ng karera.

Para sa inyong kaalaman, binabasbasan ng Games and Amusements Board (GAB) ang mga awtorisadong patayaan o Off-Track Betting Stations (OTBS) at nakadaragdag ang mga ito sa kinikita ng GAB na kanila namang inilalagak sa pondong nasyonal.

Pero ang mga ilegal na bookies ay hindi awtorisado kaya nakapagpapababa sa kita ng mga OTB. Wala silang kontribusyon ni katiting sa kinikita ng pamahalaan. Sa madaling salita ay wala silang silbi kaya wala rin lugar sa lipunan.

Hindi naman masasabing walang ginagawa ang mga awtoridad dahil nitong nagdaang Marso lamang ay nagsagawa ng matagumpay na anti-illegal gambling operations ang pinagsanib na puwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at GAB sa Santa Ana, Maynila.

Nakatanggap ng impormayon ang mga operatiba na may establisimiyento na malapit lang sa himpilan ng Santa Ana Police Station 6 na tumatakbo bilang ilegal na patayaan sa karera ng kabayo o bookies.

Nagsagawa ng surveillance operations ang GAB at NBI at nakompirmang totoo ang impormasyong natanggap kaya agad nilang ikinasa ang raid.

Tatlong tao ang nadakip sa operasyon bukod sa dalawang mananaya na bagaman nahuli at isinama sa esta­syon ay pinalaya rin naman agad.

Pero ang pro­blema ay lumala­bas na napaka­dalang ng mga isinasagawang operasyon ng mga awtoridad, lalo ng mga pulis, kaya napaghihinalaang patong sila sa mga sugalan ni Abang.

Iisipin mo na ningas-kugon lamang. Sa simula ay masipag na manghuhuli ang mga pulis pero bukas-makalawa ay manlalamig na lang sila sa panghuhuli at iisipin tuloy na Oplan Pagpapakilala lamang ang nangyari para katakutan sila ng mga ilegalista sa simula.

Si Brigadier General Debold Sinas, National Capital Region Police Office (NCRPO) chief, ay nagbigay ng utos sa kanyang mga bataan na “no take policy” nang maupo noong Oktubre.

Ang ibig sabihin nito ay bawal sa sinumang pulis ang mangolekta o tumanggap ng lagay o suhol sa lahat ng ilegal na establisimiyento tulad ng illegal gambling nina Abang, prostitusyon at lalong-lalo sa droga.

Sa simula ay inasahan nating matindi ang utos ni Sinas pero kalaunan ay may sabit din pala ang direktiba dahil maliwanag pa sa sikat ng araw na tuloy-tuloy at lantaran ang pasugal ni Abang, tinaguriang hari ng bookies at lotteng sa Maynila, at ng ibang gambling lords.

Sila ang dahilan kaya nalulugi ang Philippine Racing Commission (Philracom) at lotto outlets. Hindi dapat ginagamit ang legal na laro para sa ilegal na pasugal.

***

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa [email protected] o mag-tweet sa @Side_View.

FIRING LINE
ni Robert Roque, Jr.

About Robert B. Roque, Jr.

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *