Monday , December 23 2024
dead gun police

Kareretirong pulis, patay sa buy bust

PATAY ang isang kare­retirong pulis, na isang drug suspect maka­raang manlaban sa mga operabita ng pinagsanib na Quezon City Police District (QCPD)  sa isang buy bust ope­ration sa lungsod, kaha­pon ng madaling araw.

Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Ron­nie Montejo, mula sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) na pinamu­munuan ni P/Maj. Elmer Monsalve, ang napatay ay kinilalang si retired P/Cpl. Tirso Agustin Lactaotao, 48 anyos, na sumailalim sa optional retirement mula sa Philippine National Police (PNP) nitong Nobyembre.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente dakong 12:25 am sa isinagawang buy bust operation ng mga tauhan ng QCPD, PNP Integrity Monitoring and Enforce­ment Group (IMEG), Regional Special Ope­rations Group – National Capital Region Police Office (RSOG-NCRPO) at Calabarzon police, sa Brgy. Novaliches Proper.

Nakahalata ang suspek na mga pulis ang katransaksiyon kaya nagpaputok sa direksiyon ng mga alagad ng batas, na nauwi sa barilan.

Naisugod sa paga­mutan ang suspek ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Narekober mula sa mga suspek ang pitong pakete ng hinihinalang shabu, dalawang cell­phones, isang 9mm pistol, tatlong basyo ng 9mm pistol, at mga ID ng Philippine National Police (PNP) at Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Anang mga awto­ridad, ang operasyon ay bahagi ng crackdown na inilunsad nila laban sa mga police officers na sangkot sa recycling o pagbebenta ng ilegal na droga.

Nauna nang naka­tanggap ang mga awto­ridad na si Lactaotao ay sangkot umano sa illegal drug trade. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *