Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kitkat, lalong tumataas ang value ‘pag nananalo ng award

PANG-APAT na pala ni Kitkat Favia ang nominasyong natanggap ngayong taon sa Aliw Awards para sa kategoryang Best Stand Up Comedian.

Ayon kay Kitkat, may pagkakataon pang nang magwagi siya ng Best Actress ay kasabay ang nominasyon bilang Best Stand Up Comedian at Best Crossover Artist kaya naman sobra-sobra ang kasiyahan niya.

Ani Kitkat sa patuloy na nominasyon, ”Hehehe ang sarap po palagi, kasi ‘yung appreciation super nakakataba  ng puso as in. Siyempre supporting lang naman ako lagi so, madalas sa madalas hindi na kami napapansin. So ang sarap sa pakiramdam na kahit saan napapansin po pala ako. Iba rin ang dating ‘pag nano-nominate, tumataas ang value ha ha ha lalo pa ‘pag nanalo .”

Hindi naman itinanggi na umaasa si Kitkat na manalo.

“Siyempre naman (manalo) po sinong ayaw. Competitive po akong tao so, sa lahat ng bagay gusto ko lagi akong panalo. Kahit mga palosebo na laro or habulang baboy ‘di ako papatalo eh ha ha ha. Pero manominate palang, iba na ang saya eh lalo pa ‘pag nanalo.”

Dahil panay ang nominasyon ni Kitkat sa Aliw Awards, natanong naming siya kung ano nag sikreto. ”Ha ha ha ‘yun po ‘di ko nga alam. Alam ko rati sa mga bida lang at prime ang mga award-award.

“Aminin natin lagi natin iniisip sa kahit anong award-award kahit best in friendship award pa ‘yan usually ‘yung pangalan ang nagdadala so, ‘di ko naiisip na mano-nominate kasi ‘di naman ako star. Katuwa lang po na lagi akong napapansin,” giit pa ni Kitkat na taong 2016 nagwagi bilang Best Actress in a Featured Role Musical, Best Stand Up Comedian, Best Crossover Artist samantalang nominado naman noong 2017 bilang Best Stand Up Comedian at naulit muli noong 2018 at ngayong 2019.

Sa ngayon ay abala si Kitkat sa mga gig at corporate shows lalo ngayong December na fully booked na siya.

Ani Kitkat, kailangan niyang kumayod dahil, ”halos ubos ako sa pagkamatay ni nanay at now need gumastos ng malaki para sa operasyon ni papa ko.”

Bukod dito, may mga negosyo rin si Kitkat na ayaw nang ipabanggit kung ano-ano iyon. Pero ang tiyak, masinop si Kitkat kaya hindi nakapagtataka kung marami siyang negosyo. Marami ring endorsement si Kitkat at isa riyan ang Beautederm.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …