Saturday , May 4 2024

Finalists sa Cine Filipino Film Festival, inilahad na

 “GUMAGAWA tayo ng pelikula para sa mga Filipino.” Ito ang iginiit ni  CineFilipino Film Festival Competition Head na si Jose Javier Reyes sa paglulunsad ng CineFilipino Filmfest kamakailan.

Aniya, “We’re looking forward to all the works of art our finalist are bringing to this year’s CineFilipino Film Festival. We believe we’ve chosen the best of both professional and aspiring Filipino filmmakers in the end, it’s not just about good stories, but also about storytellers.”

Sinabi naman ni festival director, Madonna Tarrayo, “We may find the next great Filipino filmmaker, as well as the next great Filipino film, in the festival. CineFilipino supports the celebration of 100 years of Philippine Cinema, and we’re always on the look out for exceptional talent that can help drive the artand industry in the present and future.”

Bale nasa ikalimang taon na ang CineFilipino Film Festival at ngayong tao’y nakikiisa ito sa 100 years ng Philippine Cinema.

Kasabay ng paglulunsad ng ikalimang Cine Filipino Filmfest ang paghahayag ng mga napiling pelikula para sa Feature Length film, Short film, at Series category.

Napili sa Feature length film ang pelikula nina Jopy Arnaldo, 27 EXP; Charlson Ong at Angelo R. Lacuesta, Cargo; Sue Aspiras, Homecoming; Christopher Gozum, Ilikdem Mo So Matam; Steven Paul Evangelio, Maya-maya Paparito Na; JP Habac, Olsen’s Day; Rob Jara, Ouroboros; at Dolly Dulu, The Boy Foretold by the Stars.

Pasok naman sa Short category sina Dolly Dulu, 7-Year Itch; Dexter Paul de Jesus, Alex & Aki; Claudia Fernando, Ang Alamat ng Sari-Saring Sari Store; Zsarina P. Lacumba, Ang’gulo (Unclear); Eluigi Macalintal and James Garcia, Delta; Lorys Plaza and James Hermoso, Kita (nalng) Duha; Noel Tonga, Jr., Memento Mori; Ronald Dulatre and Elaiza Rivera, Tayo (Stand Up);at Reeden Fajardo, Quing Lalam Ning Aldo (Under the Sun).

Sa Series category naman ay pasok sina Jeremy Luke Bolatag, B124; Christian Mark Vidallo, Balete: The Animated Series; Rob Jara, Delikado; Kris Ulrich and Maze Mirada, Life After College; Ronald Van Angelo A. Dulatre, Manila EncounterDustin Celestino, Philippine Gothic: Habang Buhay; Ronald Batallones, Raket; Efren P. Malabanan, Sa Pusod ng Dagat; Carlo Obispo, The Junkyard Hippies; at Jelani Maniago, Tindero.

Ang CineFilipino Film Festival ay inorganisa ng Cignal TV at Unitel Productions, Inc, at para sa karagdagang kaalaman, maaaring bumisita sa official website www.cinefilipino.com at i-follow sa CineFilipino sa Facebook (@CineFilipino), Instagram @CineFilipinoOfficial at Twitter @CineFilipinoPH.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Kathniel Kathryn Bernardo Alden Richards

Daniel dinedma ni Kathryn, fans nalungkot

MATABILni John Fontanilla WALANG pagbating nangyari mula kay Kathryn Bernardo sa kaarawan ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel …

Vice Ganda Anna Magkawas

Vice Ganda mas gustong inaalagaan

RATED Rni Rommel Gonzales SI Vice Ganda ang bagong celebrity endorser ng Luxe Skin Beauty Talks Booster na …

Sarah Lahbati Zion Gutierrez

Sarah madamdamin ang pagbati sa kaarawan ng anak

MATABILni John Fontanilla MADAMDAMIN ang pagbati ng aktres na si Sarah Lahbati na idinaan sa social media …

Paulo Avelino Luis Manzano

Luis bigong mapiga si Paulo sa lovelife

I-FLEXni Jun Nardo WALANG mapipiga kay Paulo Avelino pagdating sa kanyang lovelife. Eh kahit may paandar si Luis …

Juliana Torres Gomez Richard Gomez Lucy Torres

Goma at Lucy suwerte sa isa’t isa, 26 taon nang kasal

HATAWANni Ed de Leon HAPPY 26th anniversary to Congressman Richard Gomez and Mayor Lucy Torres-Gomez. Isipin ninyo, 26 …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *